"Gusto mo na pumasok muna?" Alok ko dito pero sa loob loob ko ay lihim kong pinapanalangin na tumanggi ito at lumayas na sa harapan ko.
Namilog ang mga mata nito at lumarawan sa magandang mukha nito ang pagkasabik.
"Talaga?" Bulalas nito.
At saka nagtuloy tuloy na ito papasok sa malawak na lawn namin at wala
ng pasintabi na pumasok sa living room kung saan ay kampante itong umupo sa sofa.Napapailing na hindi ko namalayan na napasunod na pala ako dito.
"Rowan upo ka sa tabi ko dali!" Animo reyna na utos nito.
Napahinga na lamang ako ng malalim saka naglakad papalapit dito pero sa halip na sa tabi nito ako umupo ay sa katapat nitong sofa ako umupo.
"Hey Rowan bakit ka dyan naupo?" Tanong nito.
Hindi ako sumagot dito at sa halip ay nilapag ko ang binigay nitong pumpon ng rosas sa center table.
"What do you want coffee, tea, or juice?"
"Ikaw!" Mabilis na tugon nito.
Napakamot na lamang ako sa batok ko.
"Avi I'm getting pissed here, don't joke anymore" naiinis na sabi ko.
"Same here my darling future husband" tila nang iinis na sagot nito.
"Avi...listen here" I heaved a sigh.
"Please forget that awful accident, it was a mistake in my side, that day dapat magpo proposed ako sa Girlfriend ko, kay Olive----""Break na kayo at engage na tayong dalawa wag ka nang mag tantrums dyan di na maibabalik ang nakaraan" anito.
Sukat sa sinabi ni Avi ay naghimagsik ang dibdib ko at tinutulan ng puso ko ang mga katagang binigkas nito.
"Bawiin mo ang sinabi mo" anas ko at matalim na tinitigan si Avi na tila hindi naman naramdaman ang unti unting pag alpas ng galit dito sa dibdib ko.
How dare this lady slap me the truth?
I can't and will not ever accept it!
"No way beside wala naman akong maling sinabi kaya wala akong babawiin duh!" Nakaingos na sagot nito.
"Will you shut up!" Napipikon na singhal ko dito.
Mabilis akong mapikon, maasar, uminit ang ulo ang sabi ni Mommy isa daw ito sa mga traits na namana ko kay Daddy bagay na sinangayun ni Dad at ni Ate Johanna.
Lumarawan man sa mukha nito ang pagkagulat pero hindi ko na nakita pa pagkat nanatili sa mukha nito ang kapormalan.
"Galit ka na n'yan?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa akin na kinataka ko.
Kadalasan tumitiklop agad ang mga taong nasisigawan ko kahit si Olive na minsan nang nasaksihan ang galit ko sa sipleng pagkakamali ng sekretarya ko ay sinabon ko ito ng sermon at binanlawan ng suspension ay natakot sa akin.
Now this is new.....
"Not quite" I sigh and calm myself.
"Then ako naman ang magagalit" wika nito at saka binunot ang cellphone nito at tumayo na saka lumapit sa akin at dumukwang dahilan para magkalapit ang mga mukha namin na kinataka ko.
"Hey!" Akma sanang lalayo ako dito pero hinawakan na nito ang ulo ko at iniharap sa kanya pagkatapos ay mabilis na hinalikan ako sa labi sabay click ng cellphone.
Mabilis din naman natapos yun at nakangising lumayo na ito sa akin.
"What was that?" Nagtatakang tanong ko dito.
Mas lalong lumawak ang pagkakangisi ito at nagtipa ito sa cellphone nito.
Muli ay umandar na naman ang pagkamainipin ko kaya naman lumapit na ako dito at sinilip ang ginagawa nito.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang picture namin ni Avi na magkalapat ang mga labi at nakapost na ito sa Facebook na may naka caption na Today is our first official kiss day Guys! Pero di pa dun nagtatapos ang pagkagitla ko dahil nakita ko din na naka tag sa facebook ko at ni Olive ang larawan.
It was a new site that gather and meet new friends and I see that it will bloom in the future so I create an account in it just like Ate Johanna my Parents and Olive also have an account in it.
"What the heck!" Di makapaniwalang bulalas ko.
"How?" Nagtatakang tanong ko dito.Nagkibit balikat ito at muli ay nginisihan ako.
"I just hack your facebook account and sent a friend request to you two days ago and accept it, how cunning I am right?" She smirk. "You make me mad my Dear future husband so I use your account today shot a photo with you upload it and tag your ex girlfriend....." muli ay umupo ito sa sofa sakto na dumating naman ang isa naming katulong na may dala dalang inumin kumuha ito ng baso na may laman nang inumin at uminom.
"I wonder how your ex girlfriend react? Will she hit a like button? Oh I wanna see.." Nang aasar na tanong nito.Nangangalit ang mga bagang na mabilis na hinalbot ko ang cellphone nito at itinapon sa Aquarium namin.
"That was enough!" sigaw ko dito.
Tila wala naman dito ang galit na reaksiyon ko kumuha pa nga ito ng cookies at kinagat yun.
"That was expensive gadget Rowan my Daddy gave it to me because it's my birthday present ...and now I am Really Really mad at you my Future Husband" may diin na wika nito at ngumiti pa ng matamis sa akin na naghatid ng kilabot sa katawan ko....