Chapter 1

7 2 0
                                    

Pauwi sa aming bahay, habang matiyaga kaming naghihintay ng isa pang pasaherong pupuno sa pinagtagpi tagping piraso ng dos por dos at tabla na kung tawagin sa amin ay trolley, nagmasid masid ako sa aking paligid.

Itong si Mang Atoy na nagtutulak nitong trolley na palagi kong sinasakyan. Napakabait niyang tao. Kahit isusubo na lang niya, ibinibigay pa niya sa mga apo niya, sa anak na maagang nag-asawa.

Si Jan-jan na tagatulak din ng trolley, palagi rin akong inililibre ng sakay kapag alam niyang kapos din ako. Hindi ba't dapat ang matitityaga at ang mabubuti ang ginagawa, sila ang pinagpapala? Pero bakit ganon? Kahit anong gawin kong kabutihan, hindi naman ako pinagpapala. Ganoon ba ako kasama?

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pagpasok ko ng eskwela, problema. Pag-uwi ko ng bahay, problema pa rin. Kahit pagkain na lang problema pa rin. Ni-hindi ko alam kung bakit pa ako umuuwi ng putanginang bahay na iyon. Puro masasamang ala-ala lang ang mayroon doon. Puro problema lang ang nandoon.

Noong mapuno na ang de-tulak na kotse,nagsimula na ang matapang naming pagtawid sa mga lumang riles ng tren at nagsimula na rin ang mga nakakainis na hagikgikan ng mga kasabay kong grupo ng mga estudyante.

Palibhasa ay minsan lang makasakay ng ganitong sasakyan. Palibhasa mga conyo at nagcoconyo-conyohan. Hindi ko alam, basta pareparehas lang sila, mga walang inaalala. Mga walang problema. Mga mapera. Punyeta.

Noong nasa gitna na kami ng matarik na tulay na tatawid sa napakaduming ilog pasig, nagsalita ang katabi kong babaeng kasama sa grupo ng mga conyo.

"OMG! Baka hinahanap na ako ng babe ko! Baka magalit sakin yun! Weeksary namin ngayon! Tapos wala pa akong regalo! Tapos hindi pa ako nakapag ayos! Gosh! Paano naaa??!!!" maarteng sabi niya.

Sumagot naman yung isang lalaking kasama rin niya. "Dami mong problema! Tumalon ka na nga lang dyan nang matapos na!".

Napangisi naman ako. Tama! Kahit papano pala ay may silbi din 'tong mga punyetang 'to. Mariin akong pumikit at dinama ang hanging marahang dumadampi sa balat ko habang hinihintay ang aking pagbagsak.

Sa malakas na hampas ng tubig, nagbalik sa akin ang lahat ng masasakit na ala-alang na naranasan ko sa buhay ko.

Ang lahat ng mga suntok na natatamo ko mula sa basagulero at lango sa droga kong ama. Ang sakit na naramdaman ko noong nasaksihan ng sarili kong mga mata ang pag-kamatay ng aking ina mula sa mga gagong nanloob ng aming bahay. Ang sakit noong pati mga kaibigan ko at babaeng mahal ko ay nawala noong nalaman nilang nagbebenta ako ng katawan para may ipangkain kami ng kapatid kong si Elsa.. Pati nga pag-aaral ko ay napabayaan ko na, kung hindi singko, swerte na kung tres pa.. Kani-kanina nga lang nakita ko sa SIS ko na isiningko ako ng prof ko sa Accounting.

Nakakatawa. Bagay na bagay lang akong mamatay sa ilog na ito tutal parehas din naman kaming madumi, wala nang silbi at wala nang kinabukasan. Hindi ko na alam. Bahala na.. Siguro nga ay ito na lang ang solusyon.. patawarin na ako ng langit pero hindi ko na talaga kaya....

Naramdaman kong unti-unti na akong lumulubog sa ilog. Nang marating ko ang ilalim ay may isang malakas na pwersa ang humigop sa akin na naging dahilan ng biglaan akong pag-ahon. Medyo naghahabol pa ako ng aking pag-hinga nung ako'y makaahon. Pero ang nakakapagtaka, hindi ang maduming ilog pasig ang bumungad sa akin. Parang nasa gitna ako ng isang malaking dam ng malinaw at malinis na tubig.

----------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE COMMENT AND FOLLOW ME :) HIHI THANKS :*

-mirayuuu ♥

A Trolley To Heaven (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon