06

162 11 0
                                    


°•° ice °•°

"Dafuq may bf na pala tong pangit na to."

Nakasandal pa rin ang binata sa headboard ng kama niya habang palipat-lipat ng tingin sa cellphone at sa bubong.

"Teka, ba't ba ako ganito? Ano bang pake ko kung may bf siya? Tss."

Tinitigan niya ang last msg. ng dalaga sa kanya bago ito mag-out.

"Tss. Niloko? Pangit na nga, tanga pa. Tsk."

Kahit di pa sila nagkita ng dalaga ay tinatawag pa rin niya itong pangit. Kahit picture nga di pa niya ito nakita eh kasi naman, parang kpop idol lang naman ang profile pic nito at sa kanya ay ang back profile lang niya so di pa rin nakita ng dalaga ang tunay na mukha niya.

Pero kahit papaano'y nasaktan pa rin ito sa mga binitawang salita ng dalaga . ang una'y makulit na ka chat ay ngayo'y parang patay na.

Nag-iisip siya nang may pumasok sa isip niya. Umilaw ang mukha niya. Kahit di siya palaging nakangiti ay may karapatan pa rin siyang sumaya. Kinuha niya ang phone niya.

"Silver, tulungan mo ako."

Pagkatapos nilang mag-usap, di niya alam na nakangiti na pala siya. Agad naman niya itong winala.

Napasabunot siya sa kanyang buhok. Di niya alam bakit niya ito gagawin para sa dalaga.

"Baka naawa ka lang"

Bulong nito sa sarili. Tama, baka naawa lang DAW siya.

"Pasalamat siyang may awa pa rin ako."

Bulong niya bago tuluyang natulog

aesthete - seulminWhere stories live. Discover now