#10 - ShanShine and Sky :)

21 2 2
                                    

Meron na kaming pasok ngayon
nasa library ako ngayon nag babasa ng libro at biglang dumating si troy nakita niya yung panyo na naka lapag sa table

"Uy sa kaibigan ko yan ahh"

"Oh kunin mo tapos balik mo sakanya" inabot ko sakanya at kinuha niya yung panyo

"Alam mo Yumi ang ganda mo pero bakit pag nasa school pang nerd mga suot mo?"

"Because i want a quiet life"

"Sige bye bestfriend"

Ilang minuto pagkatapos umalis ni Troy may babaeng dumating.

"Hi Yumi,pwede bang pakibigay to kay Troy" inabot niya sakin yung letter

"Uhm…sorry,ikaw nalang madami pa kasi akong ginagawa eh"

"Please close naman kayo nun diba"

"Sige na nga"pumunta ako sa canteen at binigay kay troy yung letter

"Ano to?"

"May nag papabigay sayo"

"Ahh ok"nag lakad na ako palayo

"Hoy nerd!"Inang yan sinong nagsabi sakin non?!

"Troy! Ikaw ba yun?!"

"Hindi si Dris yun"Umalis na ako at nag lakad palayo

*** Next day
Dris POV

Sinundan ko si yumi,hindi ko alam kung bakit. Dinala lang ako ng sarili kong paa,ang bilis ng pag tibok ng puso ko ngayon.

Nasa locker niya siya ngayon at lumapit ako sakanya. Sigurado akong kakausapin ako neto…pero mali pala. Bakit ganon?

Kung ibang babae yung nasa tabi ko ngayon kakausapin ako nun pero bakit siya hindi.

Sinundan ko siya sa Library  kumuha ako ng libro umupo ako sa katapat na table,hindi naman ako mag babasa eh gusto ko lang siya makita. At bakit ako may libro? Para hindi ako mapansin ni Yumi.

Time na kaya bumalik na kami sa classroom umupo muna ako sa likod ng upuan niya.

Paupo na siya tapos hinila ko yung upuan tapos bumalik ako sa upuan ko.

Pinagtatawanan na siya ng klase pero dedma pa rin siya.

Pinag tripan ko siya buong klase kaya na badtrip

"Okay class pumunta kayo sa field para maka pili ng club niyo"

***
Yumi's POV

Ano bang problema nung Dris na yun,alam ko nagkita na kami sa isang resto nun eh.

Yung iba iniwan yung bag nila yung iba dinala yung bag nila
Kaya ako iniwan ko nalangyung bag ko.

Nung nasa field na ako nakita ko yung glee club kaya dun ako nag sign up

Bumalik na ako sa room pero wala yung bag ko.

Lumabas ako ng room nakita ko naglalakad si shawn,barkada ni Troy

"Shawn nasayo ba bag ko?"

"Wala,Bakit ko naman kulunin yun?"

Tumakbo ako para hanapin si Troy.

Shet di na ako makahinga ng maayos

Napasandal nalang ako sa pader at umupo

Nakita ko ung isang student daladala bag ko hindi ko maaninag nahihilo na ako hindi ako makahinga

"In-in…haler…k-ko"

"Nasaan?!?"natataranta ata ung lalaki

"Sa bag…"

When The Enemy Falls For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon