She Give Me Up

14 0 0
                                    

She Give Me Up

Ang tagal ko na siyang napapansin. Ako? Hindi niya ko napapansin.Ni hindi ako sagap ng radar niya. Masyado kasi siyang busy sa mga taong nasa paligid niya, in short sa mga kaibigan niya.

Habang tumatagal na pinagmamasdan ko siya mula sa malayo unti-unti ko siyang nakikilala. Unti-unti na din akong nagkakagusto sa kanya nang hindi ko namamalayan.

Simple lang naman siya — walang arte, palangiti, friendly at masasabi kong magaling siyang makisama sa dami ng kaibigan at taong nakakahalubilo niya.

"Dati pa kita napapansin Ryugen ha. Panay ang pagtitig at pagsulyap mo kay Natsumi."

"Ha? H-hindi ah. Nagkataon lang siguro na nakatingin ako nang makita mo."

"Sus, ako pang niloko mo. Gusto mo ipakilala kita?" sabi niya habang nakaakbay at panay taas at baba ng kilay niya.

Buko na ko. Hay. "Hindi ba nakakahiya?" sabi ko na lang. Huli na niya ko e.

Napangiti naman lalo si Al sa sinabi ko. "Yan ba ang hindi Ryu? Hahaha. Hindi yan. Mabait naman yan si Nat e."

Napailing na lang ako sa asta niya. "Sige na nga." sukong sagot ko.

"Kunwari ka pa e. Sige mamayang lunch sasabihin ko dun kay Meiko pakilala sa'tin."

Habang naghihintay ng lunch hindi ako mapakali sa kaba at excitement. Hindi din ako makapagfocus sa mga lessons.

Lunch break.

Agad na hinatak ako ni Al. Sinalubong namin sina Meiko na papunta ng cafeteria.

"Yo!" bati ni Al.

"Uy, kayo pala. Anong atin?" nakangiting sabi ni Meiko.

"Sasabay sana kaming kumain kung okay lang naman sa inyo?" nakangiting sabi ni Al, na kay Natsumi ang tingin.

Ngumiti naman si Natsumi. "Sige okay lang. Di ba Mei?"

Tumango naman ang huli at sabay-sabay na kaming naglalakad papuntang cafeteria. Pagkaupo namin nagpresinta na si Al at Mei na sila na ang bibili ng pagkain namin kaya naiwan kaming dalawa.

"Uy, ang tahimik mo naman." nakangiting sabi niya sakin.

"Hindi naman." nakangiti ko din sagot.

"Hindi pa tayo napapakilala sa isa't-isa. Natsumi nga pala. Pwede din naman Nat na lang. Ikaw?"

"Ryugen. Ryu na lang din."

Tumango naman siya at ngumiti. Pakiramdam ko umaawit ang mga anghel sa langit sa mga oras na 'to.

Simula nung araw na yun lagi na kaming nagbabatian. May pagkakataon din na nagkakasama kami sa gala at kainan.

Habang tumatagal ang simpleng pagkagusto ko sa kanya ay lumalim ng lumalim. Kaso wrong timing ang pag-amin ko, may iba siyang hinihintay at nilinaw niya sakin yun. Nanatili naman kaming magkaibigan. Sinasabi niya din sakin yung about sa lalaking gusto niya. Masakit sakin syempre. Mahal ko na siya e. Pero binaliwala ko yun maging masaya lang siya.

Isang gabi bigla siyang nagtext sakin, hindi na sila MU ng lalaking gusto niya. Nalaman niya kasing babaero. Mali man, aaminin kong natuwa ako sa nalaman ko.

Ganun pa din naman kami, magkaibigan.

Matapos ang ilang buwan nagsabi uli ako sa kanya na manliligaw, sa tulong ni Meiko napapayag namin siya.

Nagkaroon naman ng improvement samin dalawa. Parang nagkakaunawaan na din kami o siguro akala ko lang yun.

Nang sumunod na semester may pinakilala siya sakin na bagong kaibigan niya, si Megumi. Wala na kasi si Meiko napatigil sa pag-aaral dahil sa financial problem.

She Give Me UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon