Present.
White ceiling.
Yun lang. Pagkamulat ng mga mata ko, yun lang yung nakita ko. Medyo natulala ako ng konti, iniisip ko kung ano nangyayari or ano yung nagyari. Pero walang pumasok sa isip ko eh. Nasan ba ako? Paano ako napunta dito?
Napaikot ang tingin ko sa kwarto, hospital ata kasi may napansin ako na mga balloons "get well soon" and may card din sa table and mga flowers.
May sakit ako?
"Ma?" I whispered, pero parang walang lumalabas, tuyo ata yung lalamunan ko.
"Ma?" Medyo mas malakas ng konti.
"Oh anak! Dios ko, salamat naman na nagising ka na, kamusta naman ang pakiramdam mo? Sandali lang ha tawag lang ako ng doctor." Nagmadali sya kagad lumabas.
Confirm, nasa hospital nga ako.
Pero bakit wala akong maalala, ano ba nangyari sakin.
Ang sakit ng ulo ko, may bandage na nakapalipot sa ulo ko, kung ano man yung nangyari saki, seryoso nga. Ang sakit talaga.
"MA!?" halos papasigaw na ko at paiyak pa, kasi takot na takot na ko, wala talaga akong maalala.
Within a second may pumasok na doctor, pero he seems way too young to be a doctor, eh para ngang magka-idad lang kami eh.
"How are you feeling?" Chineck nya yung bandage sa ulo ko, and yung mga fluids and kung ano man yung mga nakatusok sa kamay ko.
Napatulala lang ako sa kanya, wala ako masabi. Ang gwapo nya, grabe, ang puti, tangos ng long, hazel eyes, haba ng eyelashes, matangkad at yung katawan nya parang sa gym sya nakatira. Muka syang americano na parang filipino din.
Pero para syang familiar, kasi yung puso ko nung nakita ko sya, biglang bumilis yung tibok tapos parang lahat naging slow motion, parang bang sa movie na kapag nakikita nila taong para sa kanila, slow motion lahat. First lang ata to nangyari sakin eh.
"Angela?" he waved his hand in front of my face.
"Anak, ano masakit sayo?" narinig ko si mama na may pag-aalala
"Wait where are we?" Nakatingin ako kay mama pero yung doctor yung sumagot.
"You were in a car accident, apparently a drunk guy swerved in your lane, you weren't wearing your seatbelt so you flew out of your windshield. Thankfully for someone in your case, your injury isn't as bad. You were in a coma for three days, but everything else seems fine. You need rest, a lot of it. You also need to take your medication regularly and you'll be back on your feet in no time."
Napansin ko yung mood nya nag-iba, kasi nung pumasok sya parang excited sya ng konti pero ngayon nung inexplain nya yung nangyari parang naging cold na sya.
"I don't remember anything?" my voice was a little bit raspy, alam ko papaiyak na ko pero pinipigilan ko lang.
"My head .. it hurts." Pakiramdam ko tuloy para akong nag papa-awang aso pero hindi ko talaga mapigilan.
"Anak, kalma ka lang ha, pahinga muna, wag ka na muna mag-isip, magiging okay din ang lahat."
"Here we're going to give you medicine to ease the pain, for now just rest for me okay? So we don't overwork your brain, and your body is only starting to get used to its function. In a couple of hours you'll feel calmer and maybe thats when your mom will explain everything okay?"
Ang hirap pakinggan ng mga sinasabi nya kasi yung mga mata nya, iba talaga eh. Para tuloy na wala yung nararamdaman ko habang nakatingin lang ako sa kanya.
"We love you anak, andito lang kami."
Yun lang yung huli kong naalala, then nakatulog ulit ako.
BINABASA MO ANG
Better In Time
ChickLitSabi nila ang love kapag totoo, hinding hindi makakalimutan ng puso. Eh totoo nga ba? Louchelle Angela Guzman is a content happy go lucky woman who is willingly to take whatever challenge may come in her life, until the love of her life surprisingl...