CHAPTER II
Sa kubo tabing dagat. Ito ang pahingahan namin ng mga tropa ko after ng lunch, dito kami, nag-iinom, nagkkwentuhan, nagkakantahan at kung ano-ano pa.
“Sam, sino yon guy na kasama ng kuya mo? Manliligaw mo?” tanong ni Ana, barkada ko. Madami nga pala kami sa barkada, kasi nga SK ako kaya kilala ako sa barangay namin.
“Hindi. Kasama ng kuya ko sa barko” sagot ko
“Ang pogi pakilala mo ako”
“Hindi pa kasi kami close, sabihin ko sa kuya” pero sa isip ko, naku mukhang mabubulilyaso na agad ang pagpapa-cute ko, maganda kasi si Ana, matangkad, maputi, balbon at nagbibilang ng boyfriend. Crush nga ng bayan yon ex niya.
“Kumusta na kayo Tikboy, wala na ba talaga kayo pag-asawa mgkabalikan?” tanong ulit ni Ana.
“Hah…change topic na tayo” pag-iwas ko, mamaya ko na lang siya ikkwento. Buti pumayag at nauwi na lang ulit kami sa walang humpay na kalokohan, tawanan at kantyawan.
Sa bahay.
Habang nag-iimpis ako ng kalat sa bahay namin. Dumating ang kapatid ko at sinabihan ako na isabay ko na lang daw yon bisita nya pag-luwas kasi mag-iinuman pa daw sila ngayon gabi. Tumango naman ako, pero yon puso ko parang tuwang-tuwa, ang landi niya.
Mamaya magkikita-kita na naman kami ng tropa. Oo, matindi ang bonding namin, para kami pamilya after ng mga obligasyon sa bahay kami naman ang nagsa-samasama. Pero may tropa ako na ayaw ko muna sana makita.
Toot..toot..toot
Unregistered no.: What time tayo aalis bukas?
Textback: Who U?
Unregistered no.: Si Bit to, yon friend ng kuya mo.
Textback: “4:00 am, hintayin na lang kita sa bahay”
Unregistered no.: Ok. 4:00 am
“Guys uwi na ako, maaga pa ako bukas” paalam ko at naghiwa-hiwalay na kami.
……………………
“You scared all of me!” sabi ko sa lalaki na naka-silip sa sliding window sa may sala ng bahay at binuksan ko ang front door.
“Ano ginagawa mo, bakit di ka pa naka-bihis? Tanong ko sa kanya.
“Yon kuya mo kasi sa kanila na lang daw ako sumabay ilalabas daw ksi nya yon mga bata, may dala sasakyan.” Sagot niya.
“Ah..okay, e bakit nagpunta ka pa dito? ang aga-aga pa atsaka di ba madilim yon pagpunta dito mula sa bahay nina Kuya?”
“E nahiya naman ako sa ‘yo, sabi ko kasi sasabay ako”
“Okay lang yon ano ka ba, atsaka aalis naman ako ke dumating ka o hinde”
Paglabasa namin ng bahay, nagpaalam na ako sa kanya.
“O sige, itulog mo ulit yan ang aga-aga pa o” sabi ko
“Hatid na kita, mukhang madilim yon pagpunta sa sakayan” sabi naman niya
“Sanay na ako, atsaka hindi delikado sa lugar namin”
“Basta, hatid na kita”
“Bahala ka”
Ang awkward naman bakit kasi hinatid pa ako, wala tuloy nagsasalita sa amin hanggang sa dumating na yon jeep. At non pasakay na ako, bigla niya hinawakan ang braso ko…
“Sorry ha, di kita nasabayan.” Sabi niya.
Nginitian ko lang siya, saka sinabihan na ok lang.
Ang weirdo talaga non, para yon lang akala mo naman napaka-laking kasalanan na.
12:00 noon
Toot..toot..toot…
Bit: Hi, how’s your day? sorry I was not able to check kung what time ka na dumating sa office mo, nway did you take your lunch already?
Textback: Yup.
Bit: Ako kasasakay pa lang ng bus papuntang Buendia.
Textback: Ok. TC.
Yon lang, at lumipas yon lunes, martes, miyerkules, huwebes, na palagi siya nagtetext para lang itanong, kung ng breakfast, ng lunch, ng dinner at kung naka-uwi na ako. Pero alam nyo kinikilig na ako non. May mga quotations din siya.
Friday
Toot…toot..toot…
Bit: Hi, uwi ka ba sa inyo.
Me: Yup, why?
Bit: Pwede ba ako sumabay? Pinapapunta kasi uli ako ng kapatid mo, magsasabong daw kami.
Me: Okay, pero mamaya na ako uuwi after office. Kita na lang tayo sa Buendia
Bit: Okay.
Ako hitsura ko, hmmm…mukhang magpapatuloy ang paglalandi ko hehehe. Pero alam nyo ba awkward pa din, hay,,,kelan ko kaya mag-get over to. Pagdating namin nag-aya agad ang kuya ko na mag-videoke dahil probinsiya, sa isang pansitan lang kami pumunta at don nag-videoke kasama ng mga pinsan ko na babae. Kanya-kanya kami kanta, at non ako na kumanta, aba pasulyap ang loko, at ang titig niya, haay…kinikilig ako. Non siya naman ang kumanta, pinili nya My Love Will See You Through, at habang kumakanta, patingin-tingin. Yiiee, namumula na siguro yon mukha ko buti na lang medyo dim yon ilaw.
Pauwi na kami, at ako ang pinakahuling lumabas ng videoke house. Akala ko nauna na sila ng biglang may nagsalita sa likod ko.
“Ganda pala boses mo” sabi ni Bit.
“Akala ko nauna na kayo, hindi kaya, nanginginig nga boses nahihiya pa” sabi ko.
“Gumamit kasi ako ng CR, halika na sabay na tayo, mukhang malayo na nalakad nila.”
Habang naglalakad kami, panay ang palitan namin ng tanong, dalawa lang pala sila magkapatid, panganay siya, babae yon isa, 27 years old siya, at naloko ng huling girlfriend, pero di pa din niya kinuwento yon nangyari sa kanila ng kanyang ex, saka na lang daw kasi mahabang istorya. Kasama niya sa boarding house ang kapatid at ang apat na pinsan. Sa Quezon naman nakatigil ang parents niya, teacher pala ang nanay niya. Tinanong naman niya ako kung saan ako nagt-trabaho, ilan taon na ako, at kung may boyfriend, at sinabi ko na kbbreak lang namin non December. Pagdating namin sa bahay ng kuya ko, pinahatid niya ako kay Bit, antok na daw kasi siya. Mukhang may binabalak ‘tong kuya ko ah. Pero natuwa naman ako, ngkwntuhan pa kami ng kung ano-ano. Sinabi din niya na sasabayan daw niya ako sa pagluwas. Sinabi ko naman na baka isabay uli siya ni kuya. Tumahimik lang siya.
Lunes ng medaling-araw.
Paglabas ko ng bahay, nasa may kalsada na siya at ang ganda ng ngiti ng loko.
“Good morning” bati niya.
“Good morning din bati ko, bakit hindi ka sumabay sa mga kuya?” tanong ko sa kanya. Ang bango niya paglapit ko, parang ang fresh-fresh.
“May gagawin kasi ako kaya dapat before 7am nasa boarding house na ako.” Sabi niya.
Sa buong biyahe palitan lang kami ng tanong, may time na napapa-idlip ako at nararamdaman ko na lang na nilagay niya ang ulo ko sa balikat niya. Haay ang bango niya, sana mabango din ang amoy niya sa akin, ginamit ko na kasi yon regalo na pabango sa akin ni kuya Angel ng Victoria Secret. Pagbaba namin ng Magallanes nag-taxi na kami, at doon na niya kinuwento ang ex niya, niloko pala siya nito, hindi sumundo at non puntahan niya sa boarding house nito may lalaki na naghatid at may dala pang mga bulaklak, ng makita niya, inabot niya lang bulaklak at umalis na siya, di na sila nag-usap at nabalitaan na lang niya na ikakasal na daw ito sa Sunday sa Quezon. Parang naawa ako sa kanya, tinanong ko kung ok lang siya, umoo naman siya.
“E bakit di ka umattend ng kasal kung ok ka na” tanong ko sa kanya
“Ayaw ko nga, baka hagisan ko pa sila ng bomba” nagbibiro niyang sabi.
Parang nalungkot naman ako, kasi bakit ganon ang reaksyon niya siguro mahal pa din niya yong ex niya, kasi kung nka-get over ka na, wala lang sa’yo ang mga ngyayari sa ex mo.
“Pwede ba tayo lumabas mamaya?” pagputol niya sa malalim kong pag-iisip…
“Huh?”