4 na oras na akong naghihintay sa pangakong date na sinasabi niya.Hmm normal naman na ito dati nga naalala ko na hindi naman siya sumipot sa usapan,pero okay lang yon naiintindihan ko naman dahil ako siguro yung babaeng hindi niya magugustuhang makita araw araw.
Sanay naman na ako sa cold treatment niya kapag di niya ako kailangan.
"Hey" napalingon ako mula sa pagkakaupo ko sa bench kung saan kami magkikita.
"Ahh.. andyan ka na pala ah.... San mo gusto kumain o pumunta? " pilit Kong kinakalma ang sarili ko
"Gusto ko ng umuwi" napalunok na lang ako sa sagot niyang halatang bored na bored na siya.Ganito siya sakin palagi
" ahhh pero bakit mo ako pinapunta dito? " baka may importante siyang sasabihin sa akin kaya niya ako pinapunta sa lugar na ito.
" simula bukas sa bahay ka na tumira" sabay talikod niya.
Ano?Totoo ba ang narinig ko,sa bahay na niya ako titira?Pero ayaw niya nga na naiistorbo ko siya eh,Ayaw niyang lagi akong nasa paligid niya.Naiinis siya sa tuwing lumalapit ako sa kanya kahit na ako ang Girlfriend niya..
.." Teka Mike sa bahay niyo na ako titira?Pero?" Halos pahabol ko na siyang sinusundan ang bilis bilis niya kasing maglakad..
" Bingi ka ba? Anu bang sinabi ko kanina? Tsk! " lumingon siya at binigyan ako ng nakakainis na tingin,pero ang mahalaga ngayon makakasama ko na siya sa iisang bahay kahit pa na balewalain niya ako.
ang importante araw araw ko na siyang makikita hindi tulad ng dati na kung kaylan lang niya ako kailangan..
......Pero nagkamali ako,ang akala ko na mas magiging close at sasaya ako sa bahay kung saan siya nakatira.
Dahil mas lalo niya sa aking ipinamukha na wala siyang pakealam sakin...
Masakit......Hindi lang sa tuwing napagbubuhatan niya ako ng kamay...kung Hindi sa bawat masasakit na salitang binibitawan niya...
BINABASA MO ANG
The Man That I Loved
De TodoPumayag ako dahil mahal kita,ngunit hindi pareho ang ating nadarama,kaya ginagawa ko na lang ang lahat para mapasaya ka,kahit pa tawagin nila akong tanga