My Nerdy Girlfriend

168 2 2
                                    

MY NERDY GILRFRIEND

                                           "Is there any limit to the emotion called LOVE?"

      "Find a heart that will love you at your worst, and arms that will hold you at your weakest."

I already found her. She's the one and only in the world...the most important one for me. And now ..... she's gone.

        My biggest regret. NO. My biggest regrets are not for the things I have done but for the things I haven't done and that's for not showing my real feelings to her.

         "Feelings aren't black and white. Even if faulty and contradictor, if they are sincere ,then they are what they are. Just follow your heart."

          Isang masaklap na pagkakamali na susubukan kung tuwirin. Nagsimula ang lahat ng magtagpo ang landas ko (I'm Kenneth also known as Keith) at ni Nerdy. A smart woman who become stupid because of so-called Love.

*FLASHBACK “3rd year high school”

            Because of my failures, my mom decided na ilipat ako sa pinakamataas na section (A).

            Naniniwala kasi siya sa kasabihang “kapag tumabi ka sa matalino, tatalino ka rin.” Eh hindi naman yun ang problema eh! Matalino naman ako! (sa sarili kong paraan na ako lang ang nakakaalam.)

            Hoho! Wala lang talaga akong interest sa pag-aaral kaya hindi ako nagseseryoso. Highschool student ako at mas gusto ko mag-enjoy XD

            Sa unang buwan ko pa lang sa section na yun, feeling ko lalo akong nabobobo dahil walang kumakausap sa akin. Namimiss ko na tuloy ung mga chix ko na laging nag-eentertain sa akin noong nasa section Z pa ako.

            Player daw ako. Pero kahit ganun ang sabihin nila, my heart belongs to only one person. She’s my girlfriend in Manila. Her name is Anne. She’s beautiful even though she’s older than me. (Age doesn’t matter :)

            Childhood friend ko siya dito sa lugar namin pero recently lang ng lumipat sila sa Manila para makapag-aral siya ng college sa Universidad na gusto naming dalawa. Long distance relationship kami pero kakayanin dahil we love each other even though we don’t have communication. Tiwala lang ^^v

            Sa classroom, akala ko mahahawa ako ng katalinuhan nila sa section na ito, pero para lang akong multo dito. Walang makausap, ni hindi nila napapansin ang gandang lalaki ko. FOREVER ALONE :’(

Dahil sa behavior nila, lalo tuloy akong nagrebelde. Hindi na ako pumapasok sa malapresong section na iyon.

1st grading… 2nd grading… at ngayon matatapos na naman ang 3rd grading. Kukunin na ata ako ni kamatayan dahil puro palakol ang mga grades ko.

One day, my gf texted my mom at sinabing mag-aral daw ako ng mabuti para makapasok ako sa university na pinasukan niya. Geez.. si mom talaga sinumbong pa ako. Oh siya siya… mag-aaral na ako para kay Anne :”>

Pero paano? Mukhang himala na lang ang magpapahatak ng grades ko pataas mula kay kamatayan. 3rd grading na kasi at exams na namin nextweek.

Habang nagrereview kasama ang mga kabarkads ko (my friends from section Z)

“keith! Pare balita ko uulet ka daw ng 3rd year ah?”

“ANO?! PRE PAKIULET NGA?!! … hoho.. mali ata ako ng pagkakarinig.”

My Nerdy GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon