Ilang linggo na kaming nag uusap nito kaso di ko parin sya kilala. Pero sabi nya kilala nya ko. Na curious tuloy ako. Babae kaya sya? Lalake? Kinakabahan ako. Mamaya makipag meet tas lalaki pala. Hahaha.
Binasa ko convo namin.
"Hi"
"Hello"
"Kamusta?"
"Tuloy ka halika na pare wag kang mahiyang pumasok"
"Pasensya ka na sa bahay ko medyo madumi at nakaka sulasok"
"Haha. Di ko na alam lyrics. Punuin ba natin ng sulat to? Haha?"
"Oo ba."
"Kilala mo ba ko?"
"Oo. Engeneering panga course mo eh"
"Stalker? Haha jk"Di ko makita reply nya. Nasa may sandalan na pala, pano kasi napuno na namin hahah
"Ang ganda ko namang stalker, pero kung sayo okay lang gwapo naman eh, haha"
Di ko alam sasabihin ko.
Sya na kaya forever ko? Then nagulat ako bigla nalang may tumapik sa likod ko."Pre, nandyan na si prof Madonna, magalit pa sayo yan. Ayos upo!" Sabi ni Kenj
Napa nod nalang ako.
Nag iintay kami ng last subj at ng prof namin kaso 15mins late sya kaya walang class. Bago kami umuwi nag reply muna ko sakanya."Pre! Tara na" Val
"Wait lang" sabi ko.
"Walang frvr lul" LanceDi ko na sila pinansin. Tuloy lang sa pag sulat.
"I hope, na We will meet someday, kung okay lang sayo? Hehe."
Two days bago reply okay lang sanay ako mag intay. Tengne kasi na suspend klase.
BINABASA MO ANG
CHAIR TALK
Teen FictionLagi nalang akong naloloko. Kalalaki kong tao. Nasan na ba yung taong mamahalin ako? Yung taong tatanggapin ako? Hanggang sa dumating ka. Sa hindi inaasahang pangyayari. Kaso iiwan mo rin pala ako. Hindi mo man ako niloko, Pero nasaktan ako ng todo.