I love you, Kuya

2.1K 23 0
                                    

“ I love you, kuya.”

“I love you too, baby.”

****************************************************************************

Hindi lang iilang beses pumasok sa isip ko ang salitang “What if hindi kami magkapatid?”

Palagi ko ring naiisip kung bakit sa kapatid ko pang bunso ako nainlove. Ang dami dami namang babae diyan. Mas maganda at mas cute pa kaysa sa kanya. Mas matured pa at hindi katulad niya na sobrang childish.

Lahat na ginawa ko para lang mawala tong lintek na feelings ko sa kanya pero bakit parati akong bigo?

Bakit kasi ang cute niya eh?! Parati tuloy akong nahuhulog sa kanya. I’m falling for her deeply. Sa sobrang deep eh hindi ko na alam kung paano ako makakaahon.

Unrequited love. Imoral. Mananatiling taboo ang relasyong brother-sister sa mga mata ng tao at maging sa Diyos.

Ewan ko nga ba kung bakit abnormal tong puso ko. Kapatid ko pa ang pinili.

“OPPA!!!!!!” ayan na naman siya. Kapag gusto kong mag-move on, parati siyang nasulpot.

Paano naman ako makakapag-move on kung parati ko na lang siya kasama hindi ba?

“Ano?” I asked nang hindi tumitingin sa kanya.

Mahirap na no. Baka mainlove na naman ako sa kanya. Oh well… Matagal na pala akong in love sa kanya.

“Ang sungit mo naman ngayon. PMS?”

“Magtigil ka nga diyan, Alessandra. Hindi ako babae para mag-PMS.”

Lalaki ako pero marami akong alam tungkol sa PMS at monthly period ng mga babae. Ikaw ba naman ang magkaroon ng kapatid na babae na ubod ng burara at walang pakialam sa sarili? Ewan ko lang kung gustuhin mong walang alam.

Naalala ko nga nung first time niyang magkaroon ng menstruation, umiiyak siyang nagtatakbo sakin nun. I asked her kung anong  nangyari sa kanya and she said, She’s dying. Syempre, nagpanic ako ng time na yun. Tinanong ko siya kung may nangyari ba sa kanyang masama and yun nga, sabi niya may nalabas daw na dugo sa *toot* niya.

Syempre, ako si walang alam, nagpanic din. Namayapa na ang parents namin noong nangyari yun kaya wala akong mapagtanungan ng gagawin.

Napilitan tuloy akong humingi ng tulong sa kapitbahay namin at humahangos naman siyang pumunta sa bahay. At dun na nag-umpisa ang nakahihiyang parte ng buhay ko.

Simula nung araw na yun, ako na ang bumibili ng napkin niya at kung anu-ano pang gamit ng babae. Kung alam niyo lang kung gaano kadaming kahihiyan ang dinanas ko nang dahil sa menstruation na yan.

Naramdaman kong may tumutusok sa pisngi ko. “Kuya, you’re idling.”

“Ano bang kailangan mo, Ales? Hindi ba ang sabi ko sayo, matuto kang kumatok?”

Nakita ko naman siyang nag-pout. Aish. Parang bata talaga oh. Kinurot ko nga ang magkabila niyang pisngi.

“Kuya naman eh! Mashakit kaya!”

“Hahahahahahaha.”

“Tawanan daw ba ako. I hate chu!” nagtatampo naman siya ngayon.

“Hate mo na si kuya?” kunyari’y ako naman ang nagtatampo.

Agad naman siyang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

I love you, KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon