It's 1:10 midnight, and I'm still awake. Thinking of you again....
Katatapos ko lamang kausapin ang isa sa mga matatalik kong kaibigan na si Jova, who's working abroad for her family. Nakahiga lamang ako ngayon at iniisip ko ang lahat ng mga masasaya, masasakit at minsan ay nakakaiyak na mga pangyayari ng buhay ko. Iniisip ko kung bakit hindi ko makita yung tinatawag nilang "The Right One" for me. I can't stop thinking kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin maibigay sa akin ang inaasam asam ko na pagmamahal. Kung bakit lahat ng minamahal ko ay hindi kayang ibalik sa akin ang pagmamahal na ibinibigay ko. Kung bakit lahat ng mga nagugustuhan at minamahal ko ay mga maling tao.
Depressed at malungkot ako ngayon ng dahil nanaman sa isang maling tao.
Ipapakilala ko lang po ang aking sarili. I'm Anjenny Lim, pero mas tinatawag nila ako sa nickname ko na Jenny. Anak ako ni Melchor Lim at Anjanette Lim na isang businessman at businesswoman. May isa akong kapatid na nagaaral pa lamang at kumukuha ng kursong Engineering na kasalukuyang nasa Baguio ngayon doing his best to finish his study and graduate, si Michael. Meron kaming family business na Electronics na minamanage ng parents ko. Close kami ng family ko. Strict ang parents ko pero mababait sila.
Uumpisahan ko ang kwento ko sa isang accomplishment sa buhay ko. Ang highschool graduation.
Naging active ako sa eskwelahan dahil sa galing ko magsayaw. Mataba ako pero proud akong sabihin na eto ang talent ko, ang pagsasayaw. Isa akong Sayaw Facilitator sa school namin. Friendly at masayahin ako kaya naman marami akong naging kaibigan sa school. Kaya naman nung araw ng graduation namin ay mixed emotions ang naramdaman ko.
"CongratsJenny!"
"Congratulations Jenny"
"Congrats and Goodluck sa College"
Eto ang mga salitang maririnig mo sa bawat masasalubong mong tao sa eskwelehan nung araw na yun.
"Sis, mamimiss kita. Congrats sa atin"
"Sis magreunion tayo after one year"
"Jenny sana magkita tayo after graduation"
"Jenny mamimiss kita. Sana kahit college na tayo magkaibigan parin tayo"
Eto naman ang madalas na sabihin sa akin ng mga kaklase at mga kaibigan ko.
Nagstart na ang graduation rites. Mahaba ang oras pero para sa amin ay napakaiksi dahil eto na ang huling beses na magkakasama kami sa eskwelahan na kinalakihan namin. Masaya kaming lahat na magtatapos na kami ngunit malungkot din dahil may mga posibilidad na hindi na kami magsasama sama na tulad ng dati dahil magkakaibang Universities ang papasukan namin sa kolehiyo.
Nagumpisang tumulo ang luha ko at manginig ang boses ko ng inumpisahan namin kantahin ang composition na graduation song namin..
All students singing....
"Karununga'y isang natatanging yaman, sa tahanang ito nakita't natuklasan. Kaibigang tunay dito natagpuan, masasayang sandali aming pinagsaluhan........ Hindi masukat ang kaligayahang aming nadarama.... Salamat! Salamat! Sa mga gunita, salamat salamat sa inyong pagkalinga. Dahil sa inyong gabay nagbago ang aming buhay......."Picture dito! Picture diyan! Group pictures! Family pictures! Eto ang mga makikita mo after the graduation ceremony.
"UH! Picture! Dali!"
Eto ang grupo ko, ang UpHigh. They became my bestfriends since second year highschool. Sampu kami sa grupo. Ako, si Jova, Betty, Jeoffrey, Nicolas, Kanree, Lency, Katkat, Vangie at si Krisdane.
"Punta kayo mamaya sa bahay ah. Naghanda sila mama ko konti" sabi ni Nicolas, ang bestfriend kong lalaki.
"Sure sige punta ako, after namin maglunch nila mama"
"Sinabi mo yan Jen ha! Ngayon lang ako magtatawag sa bahay namin"
"Oo nga. Tara Betty ha"
"Yeah sige, basta lunch din muna kami nila mommy"
"Hindi ako pwede Nic, bawi ako next time"
"Ganun ba Kanree, sige ayos lang. Bawi ka nalang ha hehe"
"Okay, see you later guys"
Matapos ang maiksi oras na pakikipagbomding ko sakanila, sumakay na kami ng family ko sa sasakyan at dumeretso kami sa isang resort para maglunch at icelebrate ang graduation naming pareho ng kapatid ko. Ako graduate ng highschool at siya graduate ng elementary.
"Congratulations sainyong dalawa, oh yan ha, masgalingan niyo pa ngayon. Si Jenny magkacollege na, si Michael naman maghihighschool"
"Oo ma, wag ka magalala. Gagalingan ko sa college"
.... Dumating narin ang aming order at inumpisahan na naming kumain. After namin maglunch ay nagkita kita muna kami sa gate ng dati namin school.
Tinawagan ko si Betty.
"Betty, andito na kami sa guardhouse. Saan ka na?"
"Papunta narin ako. Sino pa ibang mga kasama natin?"
"Si Lency, Vangie, at Joeffrey lang. Andito na kami. Nakauwi na sila Katkat, Kanree, Krisdane at Jova"
"Okay, malapit na ako. See you"
After 15 minutes ay nakarating narin si Betty sa wakas. Sabay sabay na kaming nagpunta kila Nicolas.
"Tao po!"
"Nicolas andito na mg bisita mo! Pasok kayo, Jenny pasok kayo!" Sabi ng mama ni Nicolas at pumasok narin kami.
"Kain na tayo!!" Alok ni Nicolas sa amin. Kumain kami kahit lahat kami ay busog na busog pa dahil kakatapos lang din namin maglunch kasama ang mga family namin.
Nakakita ng guitara si Jeoffrey at inumpisahan na niyang tumugtog ng kung ano ano lang. Mahilig kami magjamming. Kahit hindi kami kompleto ay nagenjoy kami ng sobra. Tawanan kami ng tawanan hanggang hindi namin namamalayan ang oras. Palubog na pala ang araw.
"Tita tito, mauna na po kami" nagpaalam na kami sa mama at papa ni Nicolas dahil kailangan narin naming magsiuwian. Nagpasalamat sila sa amin sa pagpunta namin sa munti nilang handa.
Inumpisahan na naming maglakas hanggang sa labasan at hanggang sa paglalakad ay tawanan at kwentuhan parin kami. Pagdating namin sa labasan ay nagkanya kanya na kami ng tricycle at nagsiuwian na sa mga uuwian namin. Nagpaalaman na kami sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Jenny
RomanceIto ay kwento ng isang babae na natutong magmahal at nasaktan, tumayo at lumaban, naloko, umasa, nagpatawad. Sa kwento ng buhay niya ay siguradong makakarelate ka dahil sa mga pinagdaanan niya. Maraming mga babae ang nakaranas at nakakaranas ng gan...