Unti unting namulat ang mga mata ko. Tumingin ako sa bintana. Malakas na ang sikat ng araw. Tanghali na pala. Naku, Late na ako nagising. Nakahiga parin ako sa kama. At tinatamad pa akong bumangon.
"Anjenny!! Kain na!" Nagtatawag na ang tita ko sa kabilang bahay para mananghalian. Bumangon na ako. Deretso sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush. Pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay at nagpunta na ako sa family house (sa bahay ng lola ko).
"Oh graduate ka na, ano ngay ang kukunin mong course?" Tanong ng tita ko. "Hindi ko pa nga alam, pero gusto ko mag IT sana"
"Ayaw mo mag nursing, yun ang in demand"
"Pwede din. Yun naman talaga gusto ko eversince pero di ko alam. Bahala na sa enrolment"
"Kelan ka ba aakyat para magenrol?"
"Hindi naman ako nakuha sa quota sa nursing kaya baka dito nalang ako magaral. Para magkakaklase parin kami nila Jova, nagusap usap na kaming sabay sabay kami mageenrol eh"
"Sila Nicolassan sila magaaral?"
"Sa kabilang eskwelahan siya mageenrol eh. Sa Louissiana College, accountancy ata kukunin niya"
"Edi siya lang ang mahihiwalay sainyong magbabarkada?"
"Oo nga eh. Kasi dito sa Christian University dito kami lahat, ako, si Jova, si Lency, Kanree, Vangie. Kasi si Betty, Krisdane at Katkat sa Baguio. Si Jeoffrey naman majority daw kung saan masmadami dun daw siya."
"Di ka palang magBaguio para masmaganda ang school mo dun"
"Tignan ko muna, andito naman kasi lahat ng mga kaibigan ko. At buti sana kung nakuha ako sa quota. Ano ngay ang course na kukunin ko kung hindi nursing. Sabi naman kasi ni mama un daw kunin ko para makuha ako ni Tita Leanne sa London"
"Sabagay, maganda din para may work ka agad pag kagraduate mo."
Sabay sumingit sa usapan namin ang pinakamamahal kong lola ko, "Basta Jenny wag ka muna magboboyfriend hangga't hindi ka pa nakakapagtapos ng pag aaral mo. Para hindi ka agad magasawa"
"Oo naman lola, magbubusiness pa ako. Tapos magpapatayo pa ako ng bahay ko na sarili ko. Dito sa tabi din ng bahay niyo para hindi ako malayo sainyo hehe"
"Basta tulungan mo muna sila mama mo bago ka magasawa"
"Asawa agad lola, friends muna tapos boyfriend tapos payaman muna saka magasawa"
Mahaba haba din ang usapan namin habang kumakain kami. Hanggang may nagtext na sa akin na nagaayang lumabas at mamasyal sa CSI.
One message from Annie:
Jenny? Ano ginagawa mo? Tara CSI! Kasama natin sila Ferds at Aye!
Me: Kakatapos ko lang maglunch. Sige wat time ba lalabas?
Annie: 2pm?
Me: okay noted! Meeting place, guardhouse?
Annie: ok. See you!Pagkatapos ko kumain ay umuwi na ako sa bahay namin, naligo at nagayos na ako.
Kriiiiiing.... Kriiiiinggg!
"Hello?"
"Nicolas?!! Bez? San ka?"
"Dito bahay. Bakit?"
"Maligo ka na! Labas tayo! Ngayon na!"
"San tayo pupunta?"
"Basta!"
"Sige sandali. Maliligo lang ako"
After 30 minutes ay nakarating na ako ng guardhouse sa dati namin eskwelahan.
BINABASA MO ANG
Jenny
RomanceIto ay kwento ng isang babae na natutong magmahal at nasaktan, tumayo at lumaban, naloko, umasa, nagpatawad. Sa kwento ng buhay niya ay siguradong makakarelate ka dahil sa mga pinagdaanan niya. Maraming mga babae ang nakaranas at nakakaranas ng gan...