One Shot

12 1 0
                                    


Jester

Bulag

Umamin ako sa kanya na gusto ko siya. Ilang beses kong pinag isipan. Iri-risk ko ba ang pagkakaibigan namin para sa nararamdaman ko o itatago ko nalang. Pero tinatagan ko ang loob kong aminin yun sa kanya. Pero wrong move pala. Simula nun nagalit siya. Hindi na ako pinansin. Dating bestfriend na kasama ko palagi, ngayon itinuturing nalang ako na parang hangin.

Hanggang sa pauwi ako nun nang makita ko ang boyfriend niyang papasok sa isang hotel na may kasamang ibang babae.

Sinabi ko sa kanya agad yun pero sinampal niya lang ako at pinagbintangang sinisiraan ko lang ang boyfriend niya sa kanya.

Sinungaling daw ako at never niya ng paniniwalaan.

Ang sakit lang. 😥

Akala ko kasi magiging kagaya ng ilang typical torpe bestfriend ang lovestory ko na sasagutin at hinihintay lang ng bestfriend umamin. Hindi pala. Naging worst lang pala. 💔😭

Sana pala itinago ko nalang. Sana pala tinuruan ko ang puso kong hindi makaramdam ng pagmamahal ng higit pa sa isang kaibigan. Sabi mo kasi noon wag akong maging torpe at ipaglaban ko ang pagmamahal ko sa babaeng gusto ko. Sorry Pat naging totoo lang ako.

Sorry kung na-fall ako sayo. 😭

A/n: shet first time kong gumawa ng story na hindi nagkatuluyan sa ending lol. di na story ginagawa ko hahahah kakaiba na to. Pero Sana magustohan nyo :)"

BulagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon