Simula

11 1 0
                                    

"Ahas!!!" Muli kong sigaw sa babaeng nasa harap ko. 

Humakbang muli ako at hinigit ang buhok niya. Isa siyang ahas! Mang-aagaw! Traydor!

"Elaine, stop it!" sigaw ni Tristan pero hindi ako nagpapigil. 

Nandilim ang paningin ko at bumaling naman sa kaniya. Pinalis ko ang mga kamay niyang nakahawak sa bewang ko at humakbang papalapit sa kaniya. 

Isang malakas na sampal ang ibinigay ko.

"Gago! Magsama kayong dalawa!" sigaw ko at nagsimulang umalis. 


Mabilis akong naglakad palayo sa lugar na iyon. Pinilit kong pigilan ang mga nagbabadyang mga luha ngunit hindi ko nagawa. Kusa silang pumatak. Nanghihina ako. dahan-dahan akong umupo sa isang bench sa corridor. 


Doon ko binuhos ang iyak ko. Hindi ko iyon napigilan, mula sa impit kong pag-iyak hanggang sa nabalot ng boses kong humahagulgol ang buong corridor. 


Gaano kasakit ang maloko? Gaano kasakit ang makita ang taong mahal mong may kinakalantaring iba? Gaano kasakit ang mapagtaksilan ng taong mahal mo? Gaano kasakit traydurin ng isang kaibigan?


Ito. Ito ang sagot. Sobra sobrang sakit. Higit sa sakit kapag nakagat ka ng langgam. Higit sa sakit na ma-hit and run. Higit sa sakit na masaksak ng holdaper. Higit sa sakit na pisikal. 


Hindi ko na ata kaya. 


May isang oras ata akong umiiyak doon. Hindi pinapansin ang bulong-bulungan ng mga tao. Anong pake ko? Pag pinansin ko ba sila, mababawasan ang sakit na nararamdaman ko? Hindi naman diba? It wouldn't change. It wouldn't get any better. It would just be worst.


Tumayo na ako at nagpasiyang umuwi na. Baka hinahanap na ako nina mommy. Pasado alas sais na kasi at alas siyete ang curfew ko. Kailangan ko pang mag-isip ng dahilan kung bakit namumugto ang mata ko sa pag-iyak. Obviously, hindi papasa ang linya na napuwing lang.


Nagbuntong hininga ako at nakayukong nagtungo sa waiting shed sa labas ng school. Sana naman may dumaan pang jeep. Wala na akong pera eh...


"Elaine." Nag-angat ako ng tingin. Si Tristan. Nagtiim bagang ako at nagpasiyang pumara na lamang ng tricycle. Ngunit hinarangan niya iyon at hinuli ang kamay ko na agad ko namang hinigit. 


"Can we talk? Please..." Aniya sa nagmamakaawang boses. Nag-iwas ako ng tingin at umatras. 


"Pwede ba? Maawa ka naman, Tristan. Gusto ko ng umuwi." Sabi ko sa isang malamig na boses. Halos hindi ko makilala ang sarili kong boses, hindi ako ganito. Isa akong masiyahing tao. Ang laki talaga ng epekto niya sa akin, kaya kong maging masaya ng sobra-sobra at masaktan din ng sobra-sobra. 


"Please, Elaine... Mag-usap tayo. I can explain." Muling nag-alab ang galit sa aking sistema. Nagtiim bagang ako at matalim na tumitig sa kanya.


"Tanga ka ba? Hindi ba halata na ayokong makipag-usap sayo? Tsaka, explain? What for? The damage has been done." Tinalikuran ko na siya doon at sinubukan ulit pumara ng tricycle. 


Hinawakan niya ang braso ko at hinarap ako sa kanya. Mabilis ko iyong binawi. 


"Please... let's talk." Seryoso ang kaniyang mga titig at bumalot ang awtoridad sa kanyang boses ngunit hindi na muli ako magpapadala sa mga kilos niyang iyon. Tapos na ako. Pagod na ako. Sagad na hanggang buto. 


"Ayoko na, Tristan. Sawa na ako sa walang sawang explanations mo. Bingi na ako sa sorry po. Manhid na ako sa pananakit mo. Wala na akong nararamdaman sa mga pagmamahal mo. Sagad na ako." Tinalikuran ko siyang muli at sumakay na sa tumigil na tricycle. 


Isang taon at tatlong buwan. Sinayang mo ng ganun-ganun lang, Tristan? Isa ka talagang malaking gago. 


Nang makarating sa bahay ay walang tao bukod sa mga katulong. Wala sina mommy at daddy. Ang kakambal ko naman, panigurado nasa mga kaibigan. 


Nagkulong ako buong gabi sa kwarto. Ni hindi ko nagawa ang mga homeworks ko. Wala ako sa huwisyo para magseryoso. 


Before, I was on bended knees for him. This time, they're gonna be the ones who'll bend their knees, asking for my attention.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon