Kung Saan Nagsimula ang Lahat

23 0 0
                                    

Ailah's POV

Kasalukuyan kong tinitingnan ang mga taong dumadaan sa hallway ng campus.

Naka-upo lang ako sa isa sa mga bench dito sa labas , malapit sa soccer field , na ngayo'y puno ng tao dahil may practice ang soccer team.

  Wala akong kasama ngayon.Lagi naman eh , pag may lumalapit kasi , nandidiri sila bigla.Kahit na kilala ang pamilya ko , walang kumakaibigan sakin , because of my looks.

I take a deep breath.

Outcast ako sa campus nato , I'm just 'nobody'.Walang gustong makipagkaibigan sa isang babaeng kulot na kulot ang buhok na laging nakatali , may makakapal na salamin , naka knee sack lagi , naka-brace pa at nagsusuot ng mga damit na nasa mid-80's pa ang style .

Yes , I'm a nerd , just like any nerd on wattpad stories.Pero it doesn't mean na gaya rin nila ang storya ko , na may prince charming , na gaya ng nerd sa storya na siya'y maiinlove sa heartthrob ng campus , na magpapa-make over at magkakaroon na ng taga-hanga.

No , ibang-iba ang storya ko.Maski ang mga guro namin , pinandidirihan ako.

My parent's even tried to make changes with my looks.But , I refused. Ito ako , ganito ako , ba't babagohin ko pa ?

Nag-ring na yung bell , hudyat na time na.Nagsi-akyatan agad ang lahat.Umakyat narin ako...

I'm Aliah Mendoza Valdez , 15 , at 2nd year high school.

Pagdating ko sa room namin , wala pang tao.Agad akong umupo sa upuan ko na nasa kinahulihang upuan , na malapit sa bintana , na tanaw na tanaw naman mula dito ang field.

" hahaha ! Walangya ka Stephen ! Ang kawawa ng babae kanina ! Hahaha -- pffft ! " may tatlong lalaki na pumasok sa room namin.Di ko sila pinansin at nanatiling nakatingin lang sa may field.

"Tsk ! Ang panget nga kasi bro ~ nakakadiri ! " sabi pa nito at pinagdiinan ang huling sinabi.

Hindi nag-tagal , nagsidatingan na ang iba pa naming kaklase.Naramdaman ko na lang na may umupo sa aking tabi.

Nagsimula ng mag-discuss ang guro.May kanya-kanya namang ginagawa ang mga kaklase ko , may iba-ibang mundo.

  Nakikinig lang ako.Expected na sa isang nerd na gaya ko ang pagiging isang GC o grade conscious.But , let me tell you a secret , secret ng isang nerd. Hindi dahil grade conscious ang isang tao ay nagiging nerd siya.May malalim pa kaming dahilan.Gaya lang sakin , I don't have confident , self-esteem and I'm still not ready to show what I am.And being a grade conscious ? Libangan ko lang yan , wala na akong ibang magawa kundi ituon ang pansin sa pag-aaral.

"Ok class ,  listen ... " pag-aagaw ng pansin ng guro.Natahimik ang lahat at naghihintay sa sasabihin niya.

"...malapit na ang Valentine's Ball , at dahil 30 lang kayo at tig-fififteen ang boys , the same with the girls..."pagpapatuloy niya."...Your seat mate , is your partner." dugtong nito. Nagpatuloy naman siya sa tinuro niya kanina.

Nagkibit balikat lang ako at tiningnan ang field.May naman ako , lalaki siya , hindi ko siya kilala kasi ni maski isang beses di ko pa tiningnan kong sino ba ang aking katabi. Lagi kasi akong nauuna.

  About dun sa Valentine's Ball na yun ? Hindi ako pupunta , just like the old times. Gugustuhin mo bang pumunta , eh outcast ka naman ? Hindi naman makapal ang aking mukha , para lang pumunta sa ball at maging kawawang nobody ng school.

Napalingon ako sa katabi ko...Kanina ko pa kasi naramdamang may kumalabit sa akin.Napakunot ang noo ko ng makilala kung sino siya.

"Maam ! " tawag niya sa guro namin.Napalingon naman agad ito sa gawi kung nasaan ako.

"Any problem , Mr.Montenegro ? " tanong ng guro.

" Maam ! Kung kasing panget lang rin naman ng nerd nato ang makaka-partner ko.Mas gugustuhin ko pang hindi nalang pumunta ! " sabi ni Stephen Montenegro , ang long time unrecognized seatmate ko.Kilala siya bilang isang suplado sa school.Pero sikat siya  at isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng mga kababaihan ng campus.Gwapo siya at anak ng isang famous businessman ng bansa , for short 'famous' siya.

  Hindi na bago sakin ang mga pangyayaring ito.Pero ba't ansakit parin?I thought namanhid na ako sa panglalait nila ?

  Niyuko ko na lang ang ulo ko.Nagtawanan ang lahat.May sumigaw pa na...

"ANG HARSH MO KAHIT KAILAN MONTENEGRO ! "

Hindi ko kayang magsalita at lumuban sa kanilang lahat.

"Quite ! Class ! Quite!!!" saway ng guro namin.Pero imbis na tumahimik sila , mas lalo pang umingay at lumalakas ang ingay sa classroom.

Bigla-bigla nalang nag-uunahan ang luha sa pagtulo.Hinayaan ko lang ito.Crying sometimes relieves what you feel.

" Maam ! Kawawa naman ako , kung isang manang ang maipartner ko sa Ball ! " pasigaw pa na reklamo ng loko.

Sinang-ayunan naman siya ng kababaihan sa room.

"Kaya !..." iningat niya bigla ang ulo ko at hinila patayo .Sinusubukan kong hilain pabalik ang sarili pero malakas siya.Hinila niya ako't hinila , tuloy tuloy lang ang pagbadya ng aking luha.Lahat sila ay tinatawanan lang ako.Wala isa ang naawa sakin.Ganito ba talaga sila ? Mga walang puso , mga taong ginagawang kasiyahan ang isang tao? Tiningnan ko ang guro namin , iniwas niya ang kanyang tingin , pati rin pala siya , kagaya rin pala siya ng mga kaklase kong mga demonyo.

  Nang makarating na kami sa may pisara , iniharap niya ako sa lahat.

  Nasasaktan ako , pero mas masakit ang nararamdaman ko sa aking puso ngayon.

" Everyone ! Look at this nerd ! " sabi niya.

"Panget ! " sabay sabi ng lahat.

"I know , I know , kaya hindi siya nababagay sa paaralan nato ! " pagsabi niya nun , bigla namang nag-ring ang bell , kaya nagsilabasan lang sila at iniwan akong mag-isa na para bang wala man lang nangyari.

Umiiyak lang ako mag-isa , niyakap ko ang aking mga paa.At humagulgol , ansakit.Binaboy nila ako , dati they bully me through words , hanggang naging physically na.

Si Stephen Montenegro , sila ang may-ari ng school.Kaya takot ang mga guro sa kanya.

  Isa siya sa bullies ng school.Dati hindi niya ako pinapansin at oo , it was the first na binully niya ako.First time , pero grabe...

Tumayo ako at kinuha ang bag at nagsimulang maglakad palabas ng room.

This is the last day they will see , Aliah Mendoza Valdez.This is the last day na naapi na naman ako.

"Magbabayad kayo.Kayong lahat"

----

A/N : And yep ! Dito nagsimula ang lahat guys :) !

Diary ng NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon