Mahjong sa Neolttwigi

207 2 2
                                    

Ang sabi ng marami, i-enjoy daw ang buhay sapagkat maikli lang daw ang buhay natin. Pero madami din nag sasabi, lalo na yung mga friends natin pag-nabo-broken hearted tayo, na mahaba pa ang buhay mo dami pang maaring mangyari sa buhay mo, sa buhay natin. Ano yun maikli lang ang buhay ng tao pero mahaba? What the heck, gulo much ng mga tao. Kung mahaba man o maikli ang buhay ng mga tao, basta ako go to the flow na lang muna. I have no plans in my life. Kasi magpa-plano ka ng bonggang bongga tapos biglang BOOM! Maiiba dahil sa mga ilang pangyayari na mababago sa buhay mo. Pak pak pak! Ano kaya yun. Well, diskarte na lang yan sa hindi pantay-pantay na sistema ng buhay mo, buhay ko, at ang buhay nating lahat.

Mahjong, lahat ng taong tinatanong ko na kung ano ang salitang mahjong, lahat sila ang sinasagot nila ay “Di ba larong sugal ‘yon?” hindi, hindi larong kalye ang mahjong, di joke lang. Oo nga, alam kong larong sugal iyon. Pero sa kung titignan natin maigi, hindi ito basta-bastang larong sugal lang, sa larong ito, dito makikita ang iyong diskarte, upang manalo ka at makuha mo ang kanilang mga taya. Bwahahah! Kaso minsan nakakabadtrip kasi madalas ganito ang nangyayari, ikaw yung nag-tanim pero iba ang kumain, yung tipong ikaw yung todo naghirap pero san ka sila ang nakinabang. Katulad ng sa mga Pilipino noon, tinamad na silang magtanim ng mga pananim dahil sila itong nagpapakapagod pero sino ang nakikinabang, di ba ang mga prayle, ang mga kastila, kaya kaysa mag-tanim, humilata na lang sila at magtatanim na lang sila if kailangan na kailangan na nila. Kasi may point sa larong ito na hala sige ikaw ang panalo at kung hindi mo ito mai-release adi hindi magbabago ang amount ng taya mo at maya-maya lang WOW! Nakain na ng kalaban mo ang lahat ng taya mo. Nabusog nga sila eh, yung tipong lasap na lasap ang sarap. Eh madalas pa naman pag nag-yabangan na sasabihin ng mga kalaban mo na “bawal ang mag-release!” Adi ang gagawin diyan ng kalaban mo, tatapatan ang taya mo at kung mananalo siya, kung hindi damay, titripan ka. Adi siya ngayon ang may nakain at ikaw naman nagutom sa katotohanan. Tapos may mga point pa yung sige ang ganda ng pitcha (baraha) mo tapos maya-maya pag-kita sa joker ayon oh, tatlong joker ang nasa kalaban mo, hindi pa man nasisimulan ang laban biglang, tadadadada! Game over! Tapos ang laki ng taya mo malas mo nun, badtrip yun laki ng talo mo nun. O kaya naman, para ka lang nanonood, sila lang tira ng tira, ne miski isang bunot hindi mo pa nagagawa, yung tipong saling cat-cat ka lang masabing kumpleto lang ang nag-lalaro, tapos biglang may panalo na tapos yung panalo pa niya damay yung taya mo, wala ka pang nagagawang aksyon, nanonood ka palang at pinag-aaraaln ang gagawin biglang may nanalo na, badtrip yun men.Tapos ito pa ang malala, mananalo ka na, ito na yung time mo (to shine joke!), yung pitcha na hinihintay-hintay mo, tapon man o bunot, itatapon na nang iyong munting kalaban at ikaw na ang mananalo tapos pasigaw ka na nga na “yes!!! Akin na ito!!! Ako na ang panalo!” biglang may sisingit “ui… saglit lang teka, teka lang… wait lang… sorry to say, hindi ikaw ang panalo ako ang panalo…” may evil laugh pang kasama. Eh wala ka naman magagawa, ayon ang rule eh, kung dalawa kayong mananalo, kung sino yung una sa ikot siya ang panalo.

Kung pag-aaralan nating mabuti, bawat bunot mo ng pitcha, maaring umaayon ito sa gusto mo mangyari o kabaligtaran. Ang ibig kong sabihin, bawat bunot mo, may dumadating na pang-gulo o pam-paganda ng kapalaran ng laro mo. Syempre, you have to think if that piece will help you to succeed in that line or not, but if doesn’t help you at all, you have to throw it away or just eliminate that piece. Like what I’ve said, it’s about your strategy. But sometimes, nag-dadalawang isip ka kung sisirain mo ang una mong diskarte o hindi, kasi maaring ito ang magbibigay daan sa panalo mo. Eh, sa larong ito, wala nang balikan. No return, no exchange kumbaga. Kailangan mong panindigan ang bawat step na ginagawa mo para wala kang pag-sisihan sa huli. Katulad ni Jose Rizal, noong isinulat niya ang Noli Me Tangere ,na kanyang inalay sa inang bayan, ito ang naging paraan niya upang ipakita ang pag-laban o ang pag-tutol niya sa mga Kastila dahil sa kanilang pamamaraan ng pamamalakad, sapagkat ang mga Kastila o ang mga prayle noon ay parang isang Neolttwigi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahjong sa NeolttwigiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon