hi im jonathan dela riva 17 years old sad to say pero yun na nga TORPE ako,kasi nahihiya akong sabihin sa kanila tong nararamdaman ko, marami akong gusto sa babae,maputi,maganda,at higit sa lahat mabait. malakas ang loob ko kapag wala sila pero kapag nasa harapan kona parang kamakabig ang katawan ko
una akong na inlove kay kathleen 3rd year palang kami nung nakilala ko siya ,transfery siya sa school namin sa cabuyao,Unang kita ko palang sa kanya naramdaman ko agad na gusto ko siya LOVE AT FIRST SIGHT sabi nga,matangkad kasi siya,maputi parang pang ms. Universe samantalang ako emo-emohan.Pero nung makita siya ng mga tropa ko hiniyawan nila si kathleen na parang may artistang dumating kaya medyo nawalan ako ng pag-asa, kasi alam ko maraming magkakagusto sa kanya sa school namin sa ganda ba naman niya. Nag simula na kami,nagpakilala siya samin,grabe tulalang tulala ako sa kanya parang slow mo ang nangyayari,mayaman siya,english speaking. "Pare inlove sa kanya no?." Sabi ng isang tropa kong si miguel .nagulat ako sa kanya "huh? Hindi no!." Tanggi ko sakanya pero sa isip ko "oo naman sino bang hindi?." "Asus!" Palusot kapa ,sabi pa niya "hindi nga talaga pare promise.".
Natapos na yung first subject namin yes! Recess na.Pumunta ako sa canteen Shocks nandun si kathleen,parang stalker ako,parang asong sumusunod kung saan siya pumunta, tulala ako habang naglalakad grabe ang lakas ng dating niya sakin,bigla akong natalisod "aray" tinalisod ako ni chloe best friend ko "ano kaba jonathan,tulala kang sumusunod kay kathleen di mo tinitingnan yung dinadaanan mo yan tuloy natalisod ka!." "di ah! Di ko sinusundan si kathleen." Sabi ko sa kanya "Don't tell me inlove ka sa kanya no?." "HUH? Hindi kaya!." Tanggi ko sa kanya "sus! Halata naman,Sige nga kung hindi ka inlove sa kanya makipagkilala ka nga!." Sabi ni chloe "sige,hindi naman talaga ako inlove sa kanya." Shocks!? Bakit ko sinabi yun kay chloe? ,jonathan gumising ka nga!! Yan tuloy! ,sabi ko sa sarili ko. Papalapit nako kay kathleen,ang lakas ng tibok ng puso ko ,para akong hihimatayin,gusto ko na sanang tumakbo pero mahahalata ako ni chloe.ayan na malapit na ko sakanya,halos katabi ko siya habang nakapila siya sa counter.ano kaba jonathan? Takbo na! Pero hindi, kaya ko to. "Uhhhm. Hi kathleen." Sabi ko. "hello? Diba youre one of my classmate? How you doin'?." Parang camera yung mata ko at nakafocus lang ako sa kanya."hello?, hello?." Kinakawayan niya ako pero tulala parin ako.Natapos na siyang mag bayad sa counter then umalis na siya, nakatulala pa rin ako,nung naalimpungatan ako wala na siya,nagtinginan sakin yung mga tao sa canteen,nakakahiya. Bumalik ako sa table namin ni chloe. "Ano na?,pahiya ka no?.hahahhahah." Sabi ni chloe "dyan, ka lang hahabulin ko si kathleen.".nakita ko siya papasok ng room,nilapitan ko siya."hi kathleen baustista right?." Yun buti nasabi ko "yes,you?" Sabi niya. "Im jonathan dela riva,ah eh ,pwede ba tayong maging friends?." Sabi ko."sure, from now on friends na tayo." , nagshake hands kami,then pumasok na siya sa room. "WOHOOOO! Friends na kami." Tuwang tuwa ako,patalon talon sa harap ng room.
Nung gabi na tinext ko si chloe, "Best,friends na kami :)." Nag reply siya. "Sino? Si kathleen?." "Oo best,wag mong sasabihin ah!crush ko siya eh." Sabi ko."sabi ko na nga ba e!,good for you!." Sabi niya. "Thanks best!." "Ano kayang pwede kong gawin bukas? IlibRe ko kaya siya?,huwag na pala nakakahiya,alam mo nagshake hands kami,mag suggest ka naman best." Habol ko pa. Naghihintay ako ng sagot pero wala akong natatanggap. "Ano kayang nangyari dun?,bahala na,bukas ko na lang itatanong.". "Ayiieeeee,kathleen dela riva? Hahhahaha pwede! Wohooo! ,teka jonathan totoo ba yung nangyari? Nag shake hands kayo?." Tanong ko sa sarili ko,sa sobrang praning ko nga hindi ko hinugasan yung kamay ko e.
The next day..
YES! Umaga na excited na akong pumasok. Pagkapasok ko ng classroom dumeretso agad ako kay kathleen."hi kathleen,good morning." "Oh hi jonathan! Good morning!,upo ka sa tabi ko." Sabi niya. Yess! Thank you lord. Katabi ko buong araw si kathleen dahil magkatabi kami ng upuan sa room,tuwing recess nililibre ko siya,naguusap kami lagi,tinuturuan ko siya sa mga homeworks at seatworks namin,Halos kami ang magkasama buong araw.Pinuntahan ako ni chloe nung lunch sabi niya sakin "jonathan,kamusta?." " ok lang, halika dito kana kumain katabi namin." Sabi ko. "Huwag na wala ng upuan." Sabi niya.naweirdan ako kay chloe ,kaya nung uwian namin nilapitan ko siya."chloe,wait lang." "Bakit?." Sabi niya. "Galit kaba sakin?." "Huh? Ako?,hindi ah!." Sabi niya. "Asus,nagseselos samin ni kathleen ang best friend ko ayieeee." Asar ko sakanya. "Eh ikaw naman kasi eh,naging kaibigan mo lang yung kathleen na yun,kinalimutan mo na ko." Sabi niya. "Eh sorry na,hayaan mo bukas sa lunch,ililibre kita." "Oh sige ah,bukas lunch,sige bye best." Sabi niya. "Oh sige bye."
YOU ARE READING
Torpe ako anong paki mo?
Teen FictionMinsan tayo,nagpapakalayo pa hindi natin alam nandyan lang pala siya abot kamay mo lang. abangan po ntin ang next chapter