ADMAY

7 0 0
                                    

ADMAY
One shot story
By:WalkingDAL
Date published:
Start Writing:March 17, 2016 08:11 am
Finish Writing:March 18, 2016 11:12 am
Words: 1165 words
___________
Love's POV

Nakatingin ako ngayon sa board ng classroom namin na may nakasulat na "Define Love". Hindi ko alam kung anong pumasok sa ulo ng professor namin para ipa-assignment saamin itong love na ito pero, Ano nga ba ang Love? Love is blind? Love is like a rosary that full of mysteries? Hay. Maraming definition ang love pero iisa lang ang meaning ng love para saakin, ito ay ang pamilya ko. Pamilya ko at ang Boyfriend ko. Sila yung nag mamahal saakin ng lubos at walang katumbas.

Nag ring na ang bell na nag huhudyat na uwian na. Tumayo ako mula saaking kinauupuan pero nagulat ako dahil may biglang tumawag sa Phone ko, ang boyfriend ko.

"Hello Jan?"

"Love magkita tayo sa Secret Garden ngayon. Nag hihintay ako."

Agad niyang binaba ang telepono at tumakbo papunta sa Secret Garden. Habang tumatakbo ako, may nakikita akong mga nag po-propose na magkasintahan sa mini forest. Tumigil ako at tiningnan sila. Ang saya saya nilang tingnan. Naalala ko na nag hihintay saakin si Jan kaya tumakbo ulit ako hanggang sa makarating ako sa gate ng secret garden. Unti unti akong naglakad hanggang sa maaninag ko ang likod ni Jan. Biglang sumaya ang pakiramdam ko. Niyakap ko sya muka sa likuran ngunit hindi ko inaasahan na may kasama pa pala sya, ang dating bestfriend ko. Magkahawak sila ng kamay.

"Love, break na tayo." Apat na salita. Ang apat na iyan ang dumurog ng puso ko. Hindi ko mapigilang umiyak. Tumakbo ako palabas nang walang sinasabi. Hindi ko mapigilan ang emosyon na akong nadarama.

Nakarating ako sa bahay nang hindi ko namamalayan. Pagkabukas na pagkabukas ko palang ng pintuan ng bahay namin, niyakap na ako ni mama. Alam nyang may nararamdaman ako dahil nanay ko siya.

"Anak nag away ba kayo ni Jan?" Tanong ni mama.

"Mama, nakipagbreak na sya saakin" sabay hagugul ko. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa buhay ko.

Hinatid ako ni Mama sa kwarto ko para makapag pahinga na ako. Kumain na din kami kanina habang kinukwento ko sa kanya yung nangyari kanina. Ano na mangyayari sa College life ngayon? Wala akong kaibigan ni isa dahil ayokong iwanan at masaktan.

Kinabukasan, nagising ako ng maaaga para makaiwas sa eskandulo sa school.

Nakadating ako sa room namin at tama nga ang inaasahan ko, wala pang tao. Natulog nalang ako buong mag damag hanggang sa may kumalabit saakin, si Jan.

"Love gising na. Nandyan na si Prof."

Doon ko lang naalala na may assignment pala kami. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya hindi ako nakikipag eye contact kay prof pero nagulat ako dahil biglang tumayo si Jan. Katabi ko si Jan sa seat plan ngunit parang nagsisisi ako na makatabi ko sya.

"Prof pwede po bang pagusapan nalang natin ngayon ang gagawing naming thesis?" Pagtanong ni Jan kay Prof.

"Tama nga ang iyong sinabi Mr. Romualdez. Diba alam nyo na ang mga kagrupo niyo? Mag grupo na kayo ngayon at magusapusap na." Yes! Nakaligtas ako dun ah.

Nag usap usap kaming mag kakahrupo pero hindi ko maiwasang tumingin kay Jan at Aimie na magkahawak ng kamay. Parang pinapatamaan nila ako o imahinasyon ko lang?

ADMAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon