Chapter Four

110K 3.6K 292
                                    

Tinanggap ko ang trabahong inaalok sa akin ni Patricio. As the saying goes, keep your friends close and your enemies closer. To defeat your enemy you must learn their ways, study their movements. Fool the preys into thinking that you're one of them and when they least expect it, when it's good and ready, you attack.

I thought Patricio was a smart man but I was wrong. He was stupid for letting me into their lives. Wala siyang kaalam-alam na ako ang magiging dahilan ng pagbagsak niya. I would take back what was rightfully ours.

"I'm glad you've accepted my offer, Rigor." Sabi ni Patricio habang nag-uusap kami sa study room. "You're exactly what we need right now."

"Am I?" I said, a slight smile broke across my lips.

"Of course. It's rare to find people like you." Patricio lifted his small glass of alcohol and took a sip from it. "Alam kong nasabi ko na ito noon sa iyo at sasabihin ko ulit sa'yo ito. Napakalaki ng utang na loob ko sa'yo sa pagsagip mo sa anak ko. Lux is my only princess. I would've probably gone crazy kung nakuha siya ng mga lalaking iyon."

"It was the right thing to do, sir." Sabi ko.

I smiled to myself. His daughter was his weak spot and I'd use Lux to crush him.

"Rigor, take really good care of my Lux. That is your main job. Do you understand?" He asked.

I nodded my head. "Yes, I do."

I'd take really good care of her, alright. Si Lux, ang anak niya ang alas ko laban sa kanya.

"We'll have to prepare you first. You need an extensive physical and mental training para sa trabahong ibibigay ko sa'yo. Kailangan nandito ka sa tuwing kakailanganin ka. Habang nagtatrabaho ka dito, kailangan nandito ka. You're required to move in here."

"Move in?" My brows shot up.

"Yes. I hope that won't be a problem to you."

"No, not at all..." I said.

Lalo mo talagang pinadadali ang lahat para sa akin, Patricio. He had no idea who he was letting in. He had no fucking idea.


"Kuya, pag-isipan mo muna yang ginagawa mo." Nakatayo si Riel sa may pinto ng kwarto ko habang nilalagay ko ang mga damit ko sa isang lumang travelling bag. "Huwag kang padalos-dalos."

"Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito." Tiim bagang na sabi ko.

"Paano kapag napahamak ka sa binabalak mo? Isa ka lang, madami sila." Riel's voice raised along with his frustration.

"Wala akong pakialam. Ipinangako ko sa puntod ng mga magulang natin na bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay nila."

"Pucha naman, kuya! Wala tayong laban sa mga yun, mga Castellano yon." Galit na sabi niya.

My head snapped at him and I threw a glare. "At Miramontes tayo. Lahat ng meron sila ay dapat sa atin. Pinatay nila ang mga magulang natin, ninakaw nila ang buhay na para sa atin."

He marched into my room and started ripping off the pictures of the Castellanos from my wall. "You need to stop this! Tigilan mo na ang kahibangan na ito, kuya! Alam mo kung anong ginawa nila sa mga magulang natin at alam mo din kung ano ang kaya nilang gawin sa'yo." His face softened when he turned to face me, his eyes red with the tears swelling in the corners of it. "Nawalan na nga ang mga magulang natin pati ang lahat ng pagmamay-ari natin pero nandito ka naman at nandito pa rin ako."

I swallowed the lump starting to form in my throat. "Para sa iyo rin itong gagawin ko. Para sa buhay na ninakaw nila sa'yo."

"Ikaw na lang ang meron ako ngayon kuya. Pati ba naman ikaw magpapanakaw sa kanila." He said.

WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon