PARA KAY KUYA MARCELO SANTOS iii

2K 21 3
                                    

PARA KAY KUYA MARCELO

Sa pinakamamahal kong idol slash ultimate crush,

Hello kuya M? kamusta ka na?? Syempre busy ka, kaw ba naman ang may kaliwa't kanan na book signing at talk ang puntahan natural lang na lagi kang pagod/busy. Sa dami ng mga followers mo kuya M, sigurado ko na di mo na ito mababasa o kahit manotice man lang.

Sinadya ko na dito ilagay sa wattpad yung mga saloobin ko at mga gusto kong sabihin sayo. hihihi. Para di gaanong nakakahiya. Kahit na idedic ko man sayo to, hindi mo rin naman mapapansin kasi marami ding nagdedic ng story sa iyo.

At isa pa, wala rin namang kwenta ang nilalaman ng istoryang ito. hahaha. istorya nga ba? Ewan basta bigla ko na lang syang naisipang gawin simula nung nakita kita sa school namin lalo po akong naging fanatic nyo, este adik sa inyo pala. hahaha. Para kong timang napaulit ulit tintitigan ang pictures nyo sa cam at phone ko. Ayiee!! kinikilig ako.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako kinilg ng ganito. promise! dalagang filipina kasi ako. haha. medyo may pagka manang kasi ako, so ayun nga hindi ako madaling ma-attach sa isang boy. Or mainlove nga lang parang wala pa sa hinaganap ng isip ko. hahaha. umiikot kasi sa wattpad ang buong teenager life ko eh, ay mali! mga 50% lang pala the rest school, friends, family,church. Sabihin na nating ayoko lang siguro talagang mainlove kasi takot akong mareject. Pero kung ikaw naman ang magre-reject sakin. okay lang. :'))

Alam ko namang masyadong malayo ang real world sa fictional world. Malabong magkatotoo ang mga fantasies. Sa wattpad, ang sikat pwedeng mainlove sa  isang commoner. Pero sa totoong buhay parang 1% lang yung tsansa na mangyari yun.

HAHAHA. nakakatawa lang para kong tanga habang tinatype to sa phone ko. And yes, phone lang ang gamit ko kaya maraming typo errors. Desperada lang ang peg ko. para kong kawawa na nanlilimos ng pansin sa taong gustong gusto niya. O diba nga mala kwentong wattpad din ang drama ko. :'(( Para kong isang kontrabidang fictional character na nagtatapat ng feelings sa lalaking mahal niya, yung tipong kulang na lang lumuhod ako sa harap niya at magmakaawa na ako na lang ang piliin niya... na ako na lang ang mahalin niya. Ang baduy powtek!! >.< sorry naman hindi kasi ako marunong magpakilig or magpatawa man lang. hindi ko forte ang mga romcom stories. horror,mystery,thrill kasi ang mga trip ko.

Pero sa totoo lang, ngayon ko lang to naramdaman. Ganito pala yung feeling pag nagtatapat ka sa crush mo. Pag nagkakaron kasi ako ng crush, sinasarili ko lng eh ayokong may makaalam lalo na sya. kasi hindi rin naman nya ko magugustuhan di ba? Kaya sayang lang ang effort kung malaman niya. Hahaha.

Di ko nga alam kung saan ko nahugot ang aking lakas para sabihin sayo ang lahat ng ito. Ang corny hanu?? Pero siguro dahil hindi mo rin naman ako kilala, di mo din to sigurado mababasa. Kung mabasa mo man to. Shockss!!!!! baka destiny tayo :')) Joke. Baka nga kung mabasa mo to ang sabihin mo pa eh. "Tarages naman yan! JEJEMON!! ang baduy baduy. Sino ba nagsulat nito? mapagulpi" hehehe.

BEST DAY EVER 12.07.13 :'))

Siguro eto yung date at araw na isa sa hinding hindi ko makakalimutang part ng teenage life ko. Eto rin para sakin yung pinaka special. Kasi dati yung marcelo icon lang yung nakikita ko eh, pero nung time na yun grabe!! Ang cute mo pala kuya M sa personal. Hindi lang basta cute, para sakin gwapo ka. Lakas pa ng dating mo. :'))

Simula umpisa hanggang ending ng talk mo kuya M nakatitig lang ako sayo especially sa mukha mo. :')) Ang cute kasi ng mata mo. üsiguro isa rin sa dahilan kasi nga sabi mo "titigan ang pangarap" dati sa mga accounts mo lang kita tinitigan, i mean yung mga pictures mo sa iba't ibang social networking site. Pero iba pala pag nagkatotoo na yung pangarap na yun. Dati sinasama ko pa sa dasal ko kay lord na sana makita ko sa personal ang author ng PSHR naiiyak nga ako kasi hindi man lang ako makapunta sa gold rising event sa mga book signing event. masyado kasing protective yung mga magulang ko. Yung tipong bahay-school-church lang talaga ang destinasyon ko. unlike sa ibang kabataan ngayon na mahihilig gumimik. never ko pang natry yung mga ganun. tanging computer at wattpad lang libangan ko.

Nung mabasa ko na pupunta si kuya M sa school namin. Ang saya saya ko talaga. kasi finally makikita ko na sya. Pero bigla kong nalungkot kasi limited lang pala yung pwedeng umattend sa event na yun. para lang sya sa mga sayk student w/c is hindi naman ako sayk.

Maskum ako, umiyak talaga ko. promise. pero may isang prof na nagpa ass. slash activty samin na magcover ng isang event biglang bumalik yung sigla ko, sabi ko sa sarili ko eto na yung moment na inaasam asam natin. Kaso biglang sabi nung mga grupmates ko na oblation run daw ang gusto nilang icover. shockness level 100%!! bukod sa hindi ko makikita si kuya M, mababahiran ng masama ang malilinis kong mata. As in yuck!!! Masyado pa kong bata para maka kita ng tumatakbo na nakahubad. hahaha. 19y/o lang kasi ako.

Totoo talaga yung mga sinabi ni kuya M sa talk niya like yung: "Bakit tinuturo sa atin ang patience? Kasi may mga bagay na nakapaghihintay. hindi porket gusto kita, tayo na. Kailangan mo muna siyang daanin sa panliligaw. make sense di ba? Kasi kung para sayo, para sayo naman yan eh. Kung hindi man sa ngayon, baka sa susunod na mga araw."

Ang bait talaga ni lord kasi dininig niya yung hiling ko, kinapalan ko talaga yung mukha ko kinausap ko yung organizer kung pwede kaming magcover ng event, pumayag siya kso lima lang daw yung slots na pupwede, eh 10 kami sa grupo. problema na naman. Sa kagustuhan ko talagang ipush yung sa event coverage ng marcelo talk, ginamit ko ang kapangyarihan ko. hahaha. for the first time, ginamit ko ang pagiging group leader ko para ako pa rin ang masusunod. pero syempre sa maayos na paraan, niligawan ko ang lahat ng kagrupo ko para mapapayag sila na ituloy yung sa pagko-cover ng marcelo talk. And then kinulit ko yung organizer para payagan kami na magdagdag pa ng slot para lahat kami makapasok sa loob. last minute, napapayag ko siya. SUCESS!!

Worth it talaga ang paghihintay. :')) baka yung araw na yun para talaga sakin. nilaan ng panginoon na makita ko ang iniidolo ko slash crush ko. Pinagkaloob sakin ni lord yung 50% ko. :'))

Sabi ni kuya M, 50% daw ang swerte para maging succesfull sa isang bagay.  Sadyang sinuwerte lang ako ng major major. Kaya masayang masaya akong umuwi sa amin bitbit bitbit ang ngiti ng tagumpay. :'))

Yung 30% talent. given daw yun sabi ni kuya M. pagiging makapal ang mukha siguro part sya ng talent ko w/c is 30%. yung 10% money. sa totoo lang wala akong kapera pera that day 500 lang ang kaman ng wallet ko. 100 pamasahe balikan, 270  ambagan namin sa project para sa music video na gagawin namin. hindi talaga ko humingi ng pera kay mama kasi saturday yun eh. wala kami dapat pasok. yung pera ko nung buong linggong yung ipit na ipit talaga. dagdag mo pa yung sandamakmak na ipapaphoto copy, wala talagang matitira sa bulsa mo lalo na yung course na kinukuha ko isa sa magastos na kurso sa unibersidad namin..

yung last 10% audience impact. yung mga taong naniniwala at ngtitiwala sayo. sila yung nasa tabi mo para suportahan ka sa mga bagay na ninanais mong makamit. at ang 10% na yun pinagkaloob ng mga kaibigan ko sa kin yung mga kagrupo ko sa event coverage, sila pa nga yung nagsabi kay kuya M na kung pwede kaming magpapicture kasi ako daw talaga ang super fan girl ni marcelo.

P.S. at sa lahat ng mga haters/basher ni kuya M.

Hindi po PAMINTA or bakla si kuya Marcelo. >.< kainis kayo!!!! Mga LECHUGAS at PETCHAY BAGUIO kayo!!! Arrgghh!! Inggit lang kayo dahil sikat siya. Ü kung kinakailangang burahin ko kayo sa mundo ng internet gagawin ko para lang masupil kayo. TSE!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PARA KAY KUYA MARCELO SANTOS iiiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon