First time kong papasok sa university na pag aaralan ko, excited na akong suotin ang uniform na unang beses kong magagamit. Medyo kinakabahan ako sa magiging bago kong mundo. Bagong university, bagong buhay, bagong mga kaklase at bagong mga kaibigan. Hay, sana marami akong mga maging kaibigan.
Pagbaba ko ng hagdan, pinicturan agad ako ni mama.
"college na ang anak ko!"
sabay kiss niya sa pisngi ko.
"ma!, malalate na ko!"
"o, sige na nga, ingat ka ahh"
"opo ma, babye"
Si mama talaga, napaka caring.
Paglabas ko ng bahay namin pakiramdam ko lahat nakatingin sa akin. Bagong uniform e.
Napakaproud ko talaga sa school na papasukan ko, kilala kasi ang university na yun sa buong pilipinas, hehe. Kaya naman taas noo ako. Kung pwede nga lang ipakita ko sa buong sambayanang pilipino ang I.d ko gagawin ko e. Kaso medyo hard naman yun kaya humble mode tayo.
Pagsakay ko sa Jeep, umupo ako sa nag iisang slot sa may left side na upuan. Tapos umandar na ang jeep.
Ibat ibang tao ang nasa loob ng jeep. May cute at mga pacute pero ang nakakuha ng atensyon ko ay si ateng katapat ko, kanina niya pa kasi ako tinitignan. Kaya nagsmile ako sa kaniya kaso, inirapan niya ako. Nakasuot siya ng uniform ng isang university na hindi ko na matandaan kung ano ang pangalan. :( Pero yung uniform niya kulay Black na palda at white na blouse.
Bumulong siya ng malakas sa katabi niyang babae.
"Buckingham University, sigurado, mayabang itong babaeng ito"
"oo nga"
Ha? anong meron, mayabang agad-agad? ano bang problema ? may problema ba sa akin o sa damit ko o sa hininga ko?
Anong problema ng nila sa akin? Dahil taga Buckingham ako? anong meron? I need to clear things out. Aalamin ko ang lahat ng ito.