Story by Mona Nor Kalis
Chapter-1
NAPAKAGANDA NG GISING ni Chanel nang umagang iyon. Ito ang araw na pinakahihintay nito. Ang maging malaya at magagawa na nito ang anumang nais.
Laking mayaman si Chanel, nag-iisang anak ngunit hindi siya masaya sapagkat laging wala sa piling nito ang magulang.
Isang katulong lamang ang kasa-kasama nito hanggang siya ay ganap na dalaga
Matapos siyang mag-aral ng kursong gusto nito ay naramdaman na niyang maging malaya. Nakatira pa din siya sa kanilang Mansiyon at nakabili na din ito ng sariling Condo.
Madalang nakakauwi ang magulang niya kaya kapag nag-iisa ay hindi ito maiwang malungkot at magdamdam
Kahit nasanay man siyang laging wala ang magulang ay minsan gusto niya ding itong makapiling.
Isang ganap na Architect si Chanel, at dahil din sa taglay nitong kagandahan ay nakuha ito bilang modelo ng isang Magazine.
Sa paglipas ng panahon, ayaw na niya pahirapan ang sarili. Masarap sa pakiramdam ang pagiging single at malaya.
Ngunit dahil na din sa pangungulilang nadarama ay may isang lalakeng nagpapabago ng lahat. Mga pananaw sa buhay.
Siya si Santi ang manliligaw ni Chanel. Mahigit isang buwan na din itong nanliligaw sa kanya.
Una ayaw niya pa sana ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti nang nahuhulog ang loob ng dalaga sa binata.
Si Santi ang lalakeng naging lakas ng dalaga, sandigan at sandalan tuwing kailangan niya ng kausap.
Lumipas ang isang buwang panliligaw ay nakamit na nga ng binata ang matamis na OO ng dalaga.
"Chanel, Mahal na Mahal kita.. Aalagaan at pakaingatan kita. Pangako ko na hinding-hindi kita iiwan." madamdaming pahayag ng binata sa dalaga.
"Santi, Mahal din kita" pag-amin nito na ikinatuwa naman ng binata.
Napalundag at napasigaw pa ito sabay yakap at buhat sa dalaga na ngayon ay nobya na nito.
Shane Therence Alonzo, certified hunk and bachelor. Isang Model at Engineer. Nagkakilala sila sa larangan ng pagmomodelo.
They're consider as good couple, Sa simula pa lang ay umuugong na intrigang may relasyon ang dalawa. Subalit hindi ito pinapansin ng dalawa.
Paano ba naman laging may nakakapansin sa sweetness ng dalawa.
Parehong masaya at nakangiti ang magkasintahan. First Love ni Chanel si Santi kaya ganun na lang ito kasaya.
........
Samantala Nasa Mini Bar si Zionne nang araw na iyon. Mag-isang umiinom sapagkat nagtalo na naman sila ng nobyang si Claudette.
Claudette Alexis Salvador, ang babaeng labis na minahal ni Zionne na isang Photographer at Entrepreneur.
Isang taon na silang magkarelasyon ngunit walang pagbabago sa kanila. Minsan pa nga On and Off ang kanilang relasyon.
Oras, Selos at duda ang iilan lang sa sanhi ng kanilang pagtatalo na minsan mauuwi sa hiwalayan.
Linggo na umabot ng buwan ang hiwalayan ngunit sa huli ay magkakasundo ulit..
Magkagayon pa man, Mahal na mahal ng binata ang kanyang nobya kaya ayun nagtitiis pa rin sa walang pakundangang pagtatalo at di pagkakaunawaan.
Selosa si Claudette, Hindi naman nito masisisi ang sarili sapagkat lapitin talaga sa babae si Zionne.. Tila may magnet ito kung dikitan ng kababaihan.
Kung si Zionne ay napakalungkot sa mga sandaling iyon.. Napakasaya naman iyon para kay Chanel.
Everything for her is going good and perfect, her life where she can do whatever she wants, her career and of course her love life.
Mahal na mahal niya ang nobyo kaya nga niya ito sinagot. Lahat ng pagkukulang ng magulang pakiramdam niya si Santi ang magpupuno.
Ni minsan hindi siya iniwan nito, hindi kumwestiyon sa pagkatao niya, hindi nagduda sa kakayahan niya bagkus ay tinanggap siya ng buong-buo.
Isang rason iyon upang mahalin niya ang binata. Dahil sa pagsagot ng dalaga ay agad silang umalis upang pormal na ipakilala si Chanel sa pamilya ng nobyo.
Para di makahalata si Chanel ay ipinasyal muna ni Santi ito sa Mall bago tuluyang dumeretso sa bahay ng binata.
Magkahalong kaba at galak ang naramdamaman ni Chanel nang maharap at makilala sa unang pagkakataon ang pamilya ng nobyo.
Mayaman din ang pamilya ng binata, Isang Businessman ang ama nito habang isang doktor ang ina. May dalawang kapatid ang binata na sina Sebastian at Kyrinne..
Mabubuting pamilya ang pamilya ng binata kaya hindi mawala ang kakaibang ngiti ni Chanel.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
The Next Time I Fall
RomanceNext time I fall in Love Story by Mona Nor Kalis Gaano ba ka-sagrado ang kasal? Gaano ba kahalaga ito sa mga buhay natin? Handa ka na bang magpatali? Maikasal sa taong mahal mo. Ngunit Paano kung naiba ang sitwasyon? Paano mo haharapin at matatan...