"...I'm sorry pero... hanggang friends lang talaga tayo..."
Alam mo yung feeling na ay yung feeling nyo ng kaibigan nyo sa isa't isa ay more than friends? Special friends ba kumbaga?
Hindi rin naman kasi maiiwasan na mainlove ka sa iyong bestfriend kasi dito nyo nalalaman ang mga ugali at ang mga secrets nyo sa isa't isa. Dito nyo nalalaman ang mga tunay nyong kulay.
Tas sa kalagitnaan ng friendship nyo narealize mo nalang na mahal mo ang babaeng kinakaibigan mo.
At ang pinaka hindi ko matanggap ay dahil sa walang kwentang kadahilanan kung bakit hanggang dito lang kami ay;
Iba daw ang type nya.
***
His PoV
Nagsimula noong unang sinabi nya sa akin na may hinahangaan sya sa university nya. Third year college kami, galing kami sa semi finals ng UAAP at pauwi na kami. Iba ang pinapasukan nya at iba rin ang pinapasukan ko pero magkasabay kami umuwi ngayon.
"Bestfriend! Alam mo kanina, pinansin nya ako!" hindi nya talaga maiiwasan ikwento nya yung hinahangaan nya sa kanila. Si Joseph daw iyon. Syempre, nakakabawas sa paglalaki kapag kinukwento nya sa akin ang crush nya pero kapag kinekwento nya ako nakakadagdag ng pogi points yun. Kaso hinde eh. Hanggang friends lang talaga.
"Eh, ano pa ba ang bago?" I sighed. Ako nga pala si Renz at ang katabi ko ngayon na napakaingay mag kwento ay si Janna.
"Mahal na mahal ko na iyon. Syempre, mas mahal kita..." biglang huminto yung puso ko. Halos hindi na ako makahinga nung sinabi nya iyon. Ito na ba? Magtatapat na ba talaga sya sa akin? Totoo ba ito? Ang bestfriend ko ay sa wakas magtatapat na rin sa akin na mahal nya na rin ako?
Ipagtatapat ko rin ba sa kanya?
"... As friends" pahabol nya. Dinedmahan ko nalang sya. At para sa akin? Masakit. Kung pwede lang tanggalin yung 'as friends' eh. Kaya hindi na ako umaasa na mahalin nya talaga ako.
Pangalawang pagkikita namin, kwinento nanaman nya si Joseph, "Bestfriend! Alam mo napansin ko lang kay Joseph na parehas pala kayo ng ugali, parehas kasi kayong mabait sa akin."
Pangatlong pagkikita namin, hindi nanaman maiwasan na ikwento nya si Joseph, "Bestfriend, alam mo parehas kayo ng ngiti ni Joseph."
Simula nung araw na iyon, hindi nya na maiwasang ipagkumpara nya sa akin si Joseph at hindi rin naman akong maiwasan magselos..
Minsan hindi ko lubos maisip na ako nalang ang hinahangaan nya kasi parehas pala kami ni Joseph eh. Parehas ng ugali, parehas ng pagkikilos. Hindi ko rin lubos maisip na kung ano ang isang bagay, kung ano ang mas lamang sa akin ni Joseph at bakit mas gusto pa ni Janna sya.
Dalawang buwan na ang nakalipas but still hindi nya pa rin matapos ikwento sya sa akin. Parehas ulit, hindi nya maiwasang ipagkumpara sya sa akin na magkaparehas talaga kami ni Joseph.
Nagkita kami at kumain kami sa isang fast food chain na nagpabingi ng aking tenga. "Kami na."
"T-talaga?" iyon nalang ang nasabi ko at pinagmukha ko sa kanya na masaya ako para sa kanya pero deep inside nag uumapaw na ako sa selos.
"Oo! Naging kami lang kahapon pagkatapos nya akong ligawan." sabi nya.
"Teka, nililigawan ka nya?! Kelan pa!?" marami na syang naikwento sa akin tungkol sa kanya pero hindi nya sa akin naikwento na nililigawan pala sya ni Joseph.