Masaya ako sa tuwing dumadating ang ulan.
Hindi ko alam kung bakit ko gusto toh.
Pero isa lang talaga ang nadarama ko.
Na-aalala ko nung tayo'y nag-kita umuulan mismo.
Hindi ko inasahan toh, na madama ang pagmamahal mo.
Inibig kita ng buong puso ko.
Hindi ko man sabihin ito, ikaw lang talaga ang laman nito.
Umuulan na naman hinihintay kita na muli kang dumating sa oras na toh.
Kahit na nasasaktan na ako, nag papakatanga na naman ako sayo.
Lagi kang ganito, ulan dumating na kasabay ng topak mo, wala na akong gana.
Nasasaktan na ako sa mga ipinadarama mo, hindi ko inasahan na magagawa mo toh.
Buong buhay ko nilaan ko sayo.
Ngunit kasabay ng ulan ang pagpatak ng luha ko sapagka't napipighati ako.
Pinangarap ko na minsan na sana lubayan mo na siya.
Alam mo kung ano ang tinutukoy ko, yan, yang nadarama mo na sakit.
Buhat ng tao na nanakit sayo, ng hindi karapatdapat na tao.
Lubayan mo na ang nakaraan, andito na ako sayong harapan ang makakasama mo.
Kasabay ng pagpatak ng luha ko, ay ang saya na nadarama ko habang ang mga yapak mo na unti unting lumalapit sa akin. Ako, ako ang habang buhay mong mamahalain.