A/N: Oha! KathNiel naman! ;))
***CTO FOR THE COVER PHOTO***
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Pahinging papel." sambit ng lalaking katabi ko.
"Oh." Walang kagana-gana kong sagot sabay bigay ng isang pirasong papel. Sumimangot naman ako at pabulong na sinabing "Lagi na lang.Estudyante ba talaga 'to? Tss."
Ako nga pala si Kathryn Bernardo, pero pwede mo akong tawaging Kath. Ako ay 16 years old at 4th year high school na. Kung kamo'y bakit nagawa ang kwentong 'to ay dahil sa isang napakagaling at napakasipag na lalake, tignan niyo oh, pati papel, sa akin inaasa. Siya si Daniel Padilla. Kaklase ko siya at seatmate.
Sa kasamaang palad ay naulanan talaga ng kagwapuhan si Daniel sa pisikal na anyo.Sasabihin niyong gwapo siya, pero hindi para sa akin. Ang gwapo ay hindi lamang sa panlabas na anyo. Pati na rin sa ugali.
Burara si Daniel, tamad, basagulero, mayabang, masungit na akala mo meron at talagang napakaimpakto. Araw-araw na lang akala niya lahat ng tao ay mapapasunod niya sa kanya.
Pwera ako.
Itinaga ko na sa bato na hindi ako magpapaapi kay Padilla. Huh, ano siya, hari? Mukha niya. Dahil sa palaban ako, hindi niya ako masyadong iniinis. Minsan lang.
"Ano ba 'yan, Daniel! Inaksaya mo lang ang papel eh! Alam mo bang ang raming puno ang napuputol araw-araw para lang makagawa ng papel? Gunggong ka talaga!" galit kong sabi sa kanya nung natamaan ako ng papel na eroplanong ginawa niya.
"Sus, para sa ganyan lang eh. Para ka namang mamamatay agad!" sabi nito sa akin.
"Ah, ganon? Wag ka na ulit manghihingi ng papel sa akin ha!" sigaw ko sa kanya ngunit nagtakip lamang siya ng tenga.
Dumukot siya sa wallet niya. "Magkano ba ang isang pad ng papel ngayon?"
