Filipino poems #2

178 3 0
                                    

ULAN

tuwing umuulan ng ganito
nagpapaalaala ng paglisan mo
ikaw kung sinong minamahal ko
bigla na lang naglaho
hindi mo ba ako gusto?
hindi ka ba kuntento?
yan ang aking tanong habang titig moy pumapalayo
ikay lumisan sa aking tabi,ng walang rason

nasaan ka ngayon,aking mahal
itong malakas na ulan ang may alam
puso koy binabasa ng ulan upang ikay makalimutan
ang malakas na buhos ng ulan
kasamang bumubuhos ng aking kakungkutan

kasing dami ng ulan ang bumubuhos na luha
kasing dami ng ulan ang bumubuhos na alaala

hinihiling ng aking puso
na mas dumami at lumakas ang buhos
ang ulan ay sana buong gabi bumuhos
upang ang iyong mga bakas ay maglaho

walang babala ng mangyayaring hiwalayan
hindi alam na ganito ang kinahahantungan
kagaya ng karamihan,
ikay nagpaalam at lumisan.
noong akoy sigurado
na palagi ang katabi mo'y ako

nasaan ka ngayon,aking mahal
itong malakas na ulan ang may alam
puso koy binabasa ng ulan upang ikay makalimutan
ang malakas na buhos ng ulan
kasamang bumubuhos ng aking kakungkutan

kasing dami ng ulan ang bumubuhos na luha
kasing dami ng ulan ang bumubuhos na alaala

lahat ng alaala naging luha
bumubuhos kasama ng malakas na pagulan
buhos ng ulan,ikaw ay lumakas
buhos ng ulan,nagpapaalaala ng puso ko na iyong binaklas
sakit at mga sugat ng iyong paglisan,sana maanod na rin kasama ng baha

nasaan ka ngayon,aking mahal
itong malakas na ulan ang may alam
puso koy binabasa ng ulan upang ikay makalimutan
ang malakas na buhos ng ulan
kasamang bumubuhos ng aking kakungkutan

 PoemsWhere stories live. Discover now