Chapter 7

15.4K 151 15
                                    

Nakakainis naman ito. Bakit pumayag ako na sumama sakanila? Isburbo lang ako. Masasaktan din lang ako. Ano ba yan.

Wait. Masasaktan? Ako? Saan ko napulot yun? Tss. Ang weird ko na. 

Recess na namin. Pumunta kami sa cafeteria. Habang naglalakad kami papunta dun, may nabangga ako.

"Sorry po!" 

Sabi ko kagad.

Pagkatingin ko, ang cute na guy! Mas cute pa kaysa dyan sa bakulaw na yan. So dapat talaga icompare? Hayynaku. Singit ng singit si bakulaw sa isip ko.

"Okay lang yun miss. Uhm, tanong ko lang sana kung matagal ka na ba dito?" 

Tanong niya sakin.

"Opo. Bakit po?" 

Transferee siguro ito. Naliligaw lang.

"Saan ang classroom ng Section A ng third year?" 

Tanong niya sakin.

Since classroom namin yun at ayokong sumama kina Tammy at Patrick, napagpasyahan kong samahan yung guy sa classroom.

"Samahan nalang kita dun." 

Sabi ko sa guy tsaka ako nagpaalam kay Tammy at Patrick.

"Sige Tammy, Patrick. Ihahatid ko lang siya." 

Pagpapaalam ko. 

Lalakad na sana kami nung guy ng biglang ..

"Hoy nerd! Balik ka sa cafeteria pagkatapos mo siyang ihatid ha? Patay ka sakin kapag hindi ka bumalik." 

Sana magring na yung bell pagkarating namin sa classroom. Bwisit. Eepal pa kasi si bakulaw eh. Nakahanap na nga ako ng lusot para hindi na makasama sakanila.

“Sige. Tignan ko nalang." 

Wala talaga akong balak na bumalik. Maghintay sila kung gusto niyo. Hahaha.

Pagkarating namin sa classroom nung cute guy, hindi ko alam na transferee nga siya talaga at classmate namin siya. Galing naman siya sa Australia.

"Salamat sa pagsama mo sakin dito ha? Uhm, Ako pala si Christian. Christian Jimenez. Bago lang kasi ako dito eh." 

Sabi nong lalaki sakin.

"Ahhh. Kaya naman pala. Ako nga pala si Ella. Ella Sarmiento." 

Sagot ko naman habang nakangiti. 

Nag-uusap nalang pala kami ni Christian nang hindi ko namamalayan. Hindi na ako nakabalik pa sa cafeteria. Wala naman akong balak bumalik. Nakakatawa kasi itong si Christian eh. Kung anu-ano ang ikinekwento.

Nagring na yung bell. Pumasok na si Tammy at Patrick.

"Ella. Hinihintay ka namin. Bakit hindi ka na bumalik?" 

Tanong ni Tammy sakin.

"Sorry bes. Napasarap kasi ang kwentuhan namin ni Christian." 

Sagot ko naman.

"Nerd, yun ba yung hinatid mo kanina?" 

Singit na tanong naman ni bakulaw.

"Yup dude. Im Christian. Christian Jimenez. And please don't call her nerd. She's way too beautiful to be a nerd." 

Singit naman na sagot ni Christian. Nice. Ang bait naman nito para ipagtanggol ako. Hihihi.

Speechless na si mayabang na bakulaw. Hahaha. Buti naman sakanya. Nakahanap siya ng katapat niya.

Pumasok na si Ma'am at inintroduce niya si Christian. Dun sa vacant chair sa tabi ko siya umupo. 

"Psst." 

Sitsit ko sakanya. Kay Christian.

"Why?" 

Tanong niya naman. Grabe siya ha. Kung makapag-english naman oh. Nakakanosebleed masyado.

"Thank you nga pala sa pagtatanggol mo sakin." 

Sabi ko sakanya. Naintindihan naman niya siguro. Kausap ko pa nga siya kanina sa tagalog eh.

"Sus. Parang yun lang naman eh. Sabay tayo mamayang lunch?" 

Tanong niya sakin.

"Sure." 

Sagot ko naman sakanya dahil wala rin lang naman akong makakasama mamayang lunch. Syempre, magdedate yung mga yun.

Nagtuloy-tuloy na naman ang usapan namin ni Christian. Hindi na kami nakinig kay Ma'am. History pa naman. Yun ang lowest ko eh.

"Hoy nerd! I mean Ella. Free ka mamayang lunch?" 

Tanong sakin ni Patrick.

"Hindi. Bakit?" 

Mataray ko namang sagot.

"Yayayain sana kitang maglunch." 

Tanong niya sakin. Nakuuu! Hindi ako makapag-isip kung ano ang isasagot ko. Oo or hindi? Ay wait. Nag-oo na ako kay Christian kanina kaya dapat hindi.

"Tayong dalawa lang?" 

Huh? Bakit ganun naman ang sinagot ko? Mali. Ugh. Dapat ‘hindi’ yung sasabihin ko eh.

"Oo. Wala kasi akong kasama eh. Uuwi daw si Tammy." 

Huh? Parang gusto ko nang sabihing OO kaso lang girlfriend niya si Tammy. May Christian naman na kasama ko mamaya.

"Eh di maglunch ka mag-isa mo! May date ako!" 

Taray ko naman yata masyado. Hmmp. Hayaan mo nga.

Tumawa siya.

"At sino naman ang date mo ha? Hahaha." 

Ang yabang naman nito. Masasapak ko na talaga. Grr.

Magsasalita na sana ako kao inunahan ako ni Christian.

"Ako. Ako ang date niya mamayang lunch. Bakit?" 

Buti naman at pinadalhan na ako ng Diyos ng tagapagtanggol ko kay bakulaw. Hihihihi. Magpapakabait na po ako. Amen.

"Wala naman. Akala ko kasi free siya mamayang lunch. Yayayain ko sana na sabay na kaming maglunch." 

Sagot naman ni Patrick. 

"Baby. Hindi na pala ako uuwi mamaya." 

Singit ni Tammy. 

"Buti nalang babe. Akala ko mag-isa na ako." 

Dapat nga sana mag-isa nalang siya. Karma niya sana yun eh. Bwisit talaga siya. Grr.

"Syempre hindi kita iiwan." 

Sagot naman ni Tammy. Okayyyy. Medyo nakakapanibago.

Hindi namin alam na nasa harapan na pala si Ma'am. Napatayo kaming apat.

"Hindi niyo ba alam na kanina pa namin kayong hinihintay na matapos ang kwentuhan? Four of you! You get out of my class kung ayaw niyong makinig!" 

Nakakatakot na sabi ni Ma'am.

Alam ko naman na walang masasabing matino ang mga kasama kong napatayo kaya ako nalang ang humingi ng dispensa.

"Sorry po Ma'am. We won't do it again." 

Sabi ko.

"Just make sure Ms. Sarmiento or else sa guidance office ang bagsak niyo. Sit down!" 

Sabi na ni Ma'am.

Umupo nalang kaming apat.

Im Inlove ♥ [FIN-UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon