Yung akala mo siya na.
Akala mo kayo.
Gusto mo siya pero iba ang para sakanya, dahil hindi siya para sayo.
Mga katotohanang hindi mo inaakalang matutumbasan ng isang taong akala mo kaibigan lang.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Me with my friends)
...
Ivan bakit???!!!
Bakit!!!!???
Sana una pa lang sinabi mo na diba?!!! Para hindi na ko umasa!
Bakit ba tinago mo pa sakin kung alam mo namang malalaman at malalaman ko rin???
Ang sakit IVAN, kasi ang laki laki ng tiwala ko sayo diba? Hindi lang BOYFRIEND ang tingin ko sayo kundi BESTFRIEND rin ...
" MC ... im sorry .. so.. rry ... " Puno ng luha at nanginginig na boses ni ivan ang sagot sa lahat ng sinabi ko.
SORRY LANG? SURE?!
WTF!
SA DAMI NG SINABI KO, SORRY LANG TALAGA!?
Nanghihina na ko sa sobrang frustration.
Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naman lumabas na ko ng kwarto niya at tumakbo pauwi sa bahay ko.
Yes.
Tumakbo ako habang umiiyak.
Nanlalabo na yung paningin ko dahil sa mga luhang lumalabas mula sa mga mata ko.
Naiwan yung kotse ko sa bahay kasi sinundo ako ng Lola at Mommy ni Ivan sa Coffee shop na pinapasukan ko ...
" Charlotte. Can we talk? "
Nagulat ako kasi yung Mommy pala ni Ivan ang nagsalita.
Since malapit na rin naman ang out ko, pinayagan na ko ng Manager namin na mag Out na dahil mukhang importante daw ang sasabihin sakin ng Mommy ni Ivan.
Ano po yun tita?
" Ahm.. Kasi Charlotte ano .. Hmm .."
Nakapagtataka kasi parang aligaga si tita, yung para bang hindi mapakali na ewan. Bakit kaya? Ano bang meron? Ano bang nangyayari kay tita?..
Ah, tita ano po ba yun? Mahalaga po ba? Tungkol po ba to samin ni Ivan?
Ang lakas kasi ng kutob ko na may mali.
Parang Bad news kumbaga.
" Why Angela? Anong nangyayari sayo? Bakit hindi mo masabi sakanya ang dapat mong sabihin. Or shall I say, ang DAPAT niyang malaman."
Nagulanta ako dahil may biglang isang mistisang matanda ang biglang lumapit sa table na inuupuan namin bi tita Angela.
Mas naguluhan ako dahil sa mga salitang binitiwan nito.
Pagtingin ko kay tita, parang maiiyak na siya. Namumuo na kasi yung luha sa mga mata niya.