Love

386 17 1
                                    

Ano nga ba ang love? Sabi nila. Walang tunay na depinisyon ang pag ibig. Pero bakit ganun? Bakit sa mga fairytales na napapanood natin nung mga bata pa tayo ay may iba ibang depinisyon ng pag ibig?


Nabuhay tayo sa isang mundo ng kasinungalingan kung saan pinapaniwala tayo na lahat ng bagay ay may happy endings. Pero may happy endings nga ba?  WALA! Kasi kung true love yan, walang ending yan. May forever ba? Meron! Wag nga kayong bitter. May forever.


Pero ano nga ba ang pag ibig? 


"Love is an unconditional commitment to an imperfect person." Sabi ng classmate ko. Ngayon ay Values Education ang subject namin.


My Name is Jane Padilla. 17 years old. 4th year High school. Nabubuhay ako sa mundo ng fantasies. Mahilig ako sa mga Hunger games, Twilight, Harry Potter at kung ano ano pa. Mga bagay na alam mong hindi naman totoo.


"Love is like a ghost, everyone is talking about it but only few can see and feel it." komento naman ng isa ko pang kaklase. Nakatingin lang ako sakanila habang seryoso silang nakikinig sa bawat opinyon. 


May mga walang pakielam pero may mga seryoso.


Ano nga ba ang Pag ibig? Bakit ba pag naririnig natin ang salitang iyan ay nakukuha nito agad ang atensyon natin? Bakit hindi ito katulad ng 'X' sa Math na pag tinanong ka na ng math teacher mo kung 'What is X?' ay mahihirapan ka pa sa pag sagot at kailangan mo pang mag compute gamit ang iba't ibang formulas para lang makuha yang X na yan


Pero bakit sa pag ibig? 'What is love?' may papasok kaagad sa utak mo. Hindi mo na kailangan mag isip pa ng matagal para masagot ang katanungan na iyan kasi alam na alam mo na.


"BEBS!!!" Inalog alog ako ni Marianne. Siya ang ultimate best friend ko. From the beginning, siya na ang kasama ko. Bakit nga ba? Relate kasi kami sa isa't isa. I have a boyfriend and she has her own too. Pero kung hindi mo kami kilala ay baka akalain mo na iisa lang ang boyfriend naming dalawa because they're super the same!


"Oh ano?" Tanong ko sakanya. Ngumuso siya sa teacher namin kaya naman nakinig na ako sa sinasabi niya.


"Minsan maiisip niyo nalang na. Bakit palagi kaming nag aaway? Bakit ganito? Bakit ganyan? Bakit hindi niya ako maintindihan? Pero the other way round, bigla nalang mag babago ang ihip ng hangin at ang itatanong mo naman ay 'Bakit ang sweet niya?' 'bakit ganto siya?' 'Bakit pinapakilig niya ako?' Minsan hindi natin alam na ang praning na pala natin. Dahil sa salitang pag ibig." Sabi ng Values teacher namin. Sumimangot ako sa sinabi niya. Ganun na ganun ako eh.


"Love is never lost."


**


Natapos ang class namin at nag lunch time na. Lumabas na kami ng classroom at kumain sa cafeteria. Matapos kaming kumain ay pumunta kami doon sa official tambayan naming dalawa kung saan kami palaging nag k-kwentuhan. Sa Bleachers ng gym.


"Bebs, nakakapagod." Biglang sabi niya saakin. Tumingin ako sakanya. Kadalasan kasi hindi ko siya pinapansin sa ganyan niya kasi gaganyan man siya, the other day ia-approach niya ako na okay na sila. Ganun naman lagi ang cycle ng buhay niyan eh. Abnormal yang best friend ko, kung alam niyo lang.

What Love Really Is [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon