Hi guys! Hope you like my new story. Hindi kasi ako ganun kagaling katulad nung mga ibang author e. Akoy isang hamak na reader lang. Naengganyo lang akong gumawa. Wala talaga along balak na maging author. At sana konting respeto sa story ko. Yung lang. Thank you! Enjoy!
******************************
"Hoy babae, tumigil ka nga sa pag-iilusyon no dyan sa crush mo. As if naman mapapansin ka niya. Duh?!! Look at yourself, ang pangit pangit mo, wala kang alam sa fashion. Hmp! Di ko alam kung bakit kita naging kaibigan e."
Grabe naman tong kaibigan ko. Kaibigan ko ba talaga to? Sabagay totoo naman e. Ang pangit ko at wala akong alam sa fashion. Kasi naman hindi ako komportable kapag ang suot ko ay halos makita na ang perlas ng silangan. Kahit pangit ako, may pagkaarte parin ako no.
By the way, ako nga pala si Princess Heather Park. I'm 17 years old. I'm half Korean kaya ganun yung surname ko. Sa totoo lang, may kaya kami. Kaya lang di talaga ako sanay magpaganda kaya nilalait nila ako. At yung nagbubunganga naman kanina ay si Princess Marie Calebford. Yup! Tama kayo ng basa, pare has kaming princess ang first name. Ako, hindi ako mukang princess, pero siya sobrang ganda niya. Muka talaga siyang princess. At guess what? Sila ang may ari ng school na to at kapatid niya ang crush ko. Yup! Tama ulit kayo ng basa, magkapatid sila.
Second year high school na ako dito sa Calebford University. Sa totoo lang mahirap makapasa dito dahil kilalang school ito. Pero masaya siya, worth it ang mga paghihirap mo. At kapag nakagraduate ka ba masarap daw sa pakiramdam. Yun ang sabi nila.
"Hay nako Marie, hayaan at suportahan mo na lang ako. Sa imagination na nga lang nangyayari yung gusto ko mangyari sa totoong buhay e, tapos pipigilan mo pa. Nasaan ang hustisya?!"
"Hustisya ba kamo hinahanap mo? Makikita mo lang yun kung titigilan mo yang kaartehan mo."
"Psh. Di naman kaartehan yun e. Pagmamahal yun." bulong ko. Kaso sa kasamaang palad, narinig niya.
"Pagmamahal?! Kailan ka pa naging corny huh?! Susme! Ung corny mo! Makaalis na nga!" tatayo na sana siya kaso pinigilan ko siya.
"Uy Marie, wait lang.'
"O bakit na naman?!"