Chapter 1. This is it

5 1 0
                                    


Honie's POv

Honie Louisse Madrigal
18 yrs. of age
Trees Residence
No boyfriend since birth
Single and ready to mingle

Uhm ano pa bang pedeng ilagay?..

"Potchie tingin mo ano pang pedeng idagdag ko dito sa biography ko?"
Tanong ko sa friend slash enemy ko na kasalukuyang kumakain ng pagkaing di ko mawari dahil sa nakakasulasok na amoy. Ibang klase talaga panglasa nitong babaeng ito.

"Huh? Anong pedeng ilagay?"

"Dito oh," sabay lahad ko sa kanya ng biography ko. "Sa tingin mo pede na ba tong mga nakasulat dito?"

Kinuha nya ang papel at sandaling inihinto ang walang humpay na pagsubo ng pagkain kuno nya. Binasa nya ito at hindi ko maintindihan kung bakit parang natatawa sya.

"May nakakatawa ba sa sinulat ko?"

Tumingin sya sakin ng nakatawa sabay sabing "Haha eh kasi naman kailangan ba talagang ilagay mo pa yung about sa pagiging hopeless romantic mo?"

"Ano namang masama? Im just being honest here, and malay mo may makapansin at biglang magdilang anghel at subukan akong ligawan!"

You know its not that bad to dream sometimes. Chos!

"Hahaha napaghahalataan ka talaga"

Binigay nya ulit sakin ang papel at pinagpatuloy ang pagngata nya.

"Oh ano nga? Pede na ba?" Tanong ko ulit..

"Uhm pede na din"

"Anong pede na din?" Pede na din? Parang napilitan lang tong  babaeng to.

"Oo na sige na, okay na. Pasa muna sa HR para matapos na yang pagiisip mo"

"Ge sabi mo ah, babatukan kita pag hindi to naapprovan"

"Wow ha, talagang sakin pa sinisi"
Sabi nya ng di makapaniwala.

"Syempre"

"Tss ewan ko sayo Ms. No boyfriend since birth"

"Tse dyan ka na nga Ms. Emotera"
Asar ko sa kanya pabalik.

Hinagis nya sakin ang kutsarang hawak nya. Buti na lang nakaiwas ako. Brutal talaga. Pikon na nga brutal pa hahaha.

Tumayo ako at pumunta sa canteen para dun tapusin at fill-upan ang mga di ko pa nasasagutan sa resume ko..

Pagkatapos ko sagutan lahat, tumungo na ko sa HR office ng Company na to at hinintay ang HR manager dun.

Kung nagtataka kayo kung bakit ko to ginagawa. halata naman di ba magaaply ako sa company nato para sa OJT ko na kailangan kong gawin para sa kinabukasan ko.. Lol!

Graduating na ko at eto na lang ang kailangan kong gawin dahil sa hindi ako nakapag-ojt nung summer dahil nagbakasyon kami ng family ko sa mga lola ko sa Bukidnon.

Gahol na nga ko sa oras. Huhu. Sana pede pa mag-apply. Malamang sa malanang naunahan na ko ng sandamukal na estudyante na naghahanap rin ng pag-oojthan..

"Ms. Madrigal" Narinig kong banggit ng isang babae na nakabihis ng pang-office sa harap ng isang room.

"Ah yes," Tumayo ako at sumunod sa kanya papasok sa room na yon.

"Pakihintay na lang po si Ms.Anna dito, naglunch lang sya sandali". Sabi nya sakin sabay turo sa isang upuan katapat ng lamesa ng Manager.

Umupo ako don at nginitian sya.

"Okay, thank you po"

Nginitian at tinanguan nya ko sandali bago sya lumabas.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng room at namangha sa kalinisan nito.

Pero ang lamig ng aircon.. Malakas masyado.. Grrr

Init na init ba masyado yung manager.

Grabe ah.

Tinignan ko ang isang frame ng picture na nandon..

Siguro ito si Ms.Anna, ang ganda naman pala nya.. Mukhang fresh grad pa lang..

Ang galing naman naging manager agad sya at sa prestilyosong kompanya pa.

Mas kailangan ko palang magseryoso. Lord guide me, please.

muka naman akong ewan dito, pero kinakabahan kasi ako.. Huhu

Kailangang kailangan ko tong job na to.. Brrr

Bumukas ang pintuan at yumuko muna ko bago inangat ang ulo at tinignan ang sobrang gandang dilag sa harap ko.

Ngumiti sya sakin..

Sht. Ang ganda.

Mas maganda sya sa personal

Parang model. Nakakaconscious Naman to.

"You must be the Applicant?" Tanong nya.

Eh bakit ang lambing ng boses nya.. Pistii

"Ah yea, Hmm Ms. Anna right madam?"

"Oh quit the formality," tumawa sya.

Nginitian ko nalang sya.

Kinuha nya ang alcohol sa isang divider at nagpahid sya nun sa kamay nya bago umupo sa swivel chair kaharap ang table nya.

"So are you ready.." Kinuha nya ang paper ko "Miss Madrigal?" Sabay taas nya ng ulo pagkatapos basahin ang name ko.

"Never been this ready ma'am."

Tinignan ko sya ng buong confidence kasabay ng pagngiti nya sa inasta ko.

This is it!

Whatever It Takes..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon