GIMIK(spg)

198 1 0
                                    

GIMIK

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

GIMIK

ALAS onse ng gabi. Maliban sa ilaw ng mga nakahilerang poste sa magkabilang panig panig ng kalye at sa ilang kabahayan at mga gusali ay madilim ang gabing iyon na hinahagupit ng isang malakas na ulan. Bawat puno at halaman sa paligid ay sumasayaw sa ihip ng hangin. Sa kadiliman ng langit ay hindi magkamayaw ang pagguhit ng kidlat at pagdagundong ng kulog.

Tahimik lamang siya at ang kasamang si Mae, hinihintay na tumila ang walang humpay na pagbuhos ng ulan. Sa di kalayuang mesa dalawang lalaki na sa tantiya niya ay mga mag-aaral sa kolehiyo ang taimtim na nag-uusap. Sa counter nama'y tahimik na nagbabasa ng magasin ang tagabantay ng coffee shop, na paminsan-minsa'y lalapitan at kakausapin ng dalawang waiter. Patuloy naman ang pagtugtog ng isang kantahin na tila nasasapawan ng ingay ng bumubuhos na ulan. Muli siyang napatingin sa kanyang kasama. Kagaya niya'y mukhang nababagot na rin.Si Mae na dismayado rin dahil sa hindi pagsipot ng iba nilang kabarkada. Kaninang pasado alas diyes ay kasama pa nila si Annie ngunit nauna na rin itong umuwi dahil may gagawin pa itong importante sa kanilang bahay. Ngayon ay heto silang dalawa ni Mae, nababagot sa kahihintay na tumila ang ulan. Ayaw nilang suongin ang malakas na buhos nito kahit na may dalang payong si Mae dahil siguradong mababasa lamang sila. Medyo nag-aalala na rin siya dahil baka wala na siyang jeep na masasakyan pauwi lalo na't double ride pa naman siya, at ngayon ay lumalalim na ang gabi. "Haay, naku!" may pagkabagot na sabi ni Mae na nakasalumbaba pa, "wala na yatang katapusan ang ulan na 'to."-Mae

"May bagyo yata"tugon ni bran.

"Wala naman siguro", sabi ni Mae

"Kapag tumagal pa 'to baka kung anong oras na tayo makauwi nito."-bran

'Baka wala ka na ring masakyang jeep, Bran."-Mae

"Oo nga eh", pag-ayon naman ni Bran

'Buti ka pa malapit lang dito bahay nyo." Napabuntong-hininga ang dalaga. Sana tumila na ang ulan, sabi nito. Natahimik silang dalawa. Sa labas ay patuloy ang pagbuhos ng tila lalong lumakas na ulan. Pansin ni Bran na iilang sasakyan na lamang ang dumadaan. Naisip tuloy niya na tiyak ay mahihirapan na talaga siyang makauwi sa kanila. Napatingin siya kay Mae na nakatingin naman sa labas. "Naku"' sabi ng dalaga sabay harap sa kanya,
"lumakas pa lao ang ulan. Wala na rin yatang jeep, Bran."-Mae

"Magtataxi na lang siguro ako, aniya."-Mae

"Ganon?"-Bran

"Oo," -Mae .sagot niya na tila malungkot,

"hindi naman kasi puwedeng makitulog na lang sa inyo. "-Bran

Parang natigilan ang kanyang kasama sa huli niyang sinabi. Napatitig ito sa kanya.

"Bakit, sinabi ko ba na hindi puwede? "sabi bigla ni Mae.

Napangiti siya at sinabing,

"Puwede ba?"-Bran

GIMIK(ONE SHOT/SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon