FUCHSIA

29 2 0
                                    

Tinanong mo ako noon kung nagmumura ba ako. Ang sagot ko'y hindi, kasi masama yon.

Natuwa ka. Nakita ko ang mga ngiti mo na para kang nanalo sa lotto.
Ang mga ngiti mong nagpapahiwatig na kung pwede lang lumipad, lilipad tayong dalawa.
Dahil ayaw mo ng nagmumura. Ayaw mo ng matalas ang dila at napakalulutong na mga sumpa.
Ayaw mo non.

Hindi nagtagal, nagkaroon ng tayo.
Ang dating ako ay nadagdagan ng ikaw at nabuo ang tayo.
Nagmumura sa kilig ang mga kaibigan ko.
Kaya't tinanong mo akong muli kung nagmumura ba ako.

Sagot ko'y hindi.
Dahil hindi ako katulad nila.
Na kahit kailan ay hindi ako magmumura.

Pero isang araw, nagbago ang ihip ng hangin.
Hindi naman tag-ulan noon ngunit ramdam na ramdam ko ang lamig.
Bigla kang nanlamig.
Hindi dahan-dahan. Hindi unti-unti.
Hindi mabagal kundi sobrang bilis. Sobrang bilis hindi ko namalayan na wala ka na pala at ikaw pala ay umalis na.

Walang paalam. Walang liham.
Walang paliwanag. Walang liwanag. Puso ko'y dumilim.
Hawak ko ang patalim.
Hawak ko ang patalim ngunit hindi dapat..
Huminga ako ng malalim.
Sobrang lalim pwede na kitang lunurin at nang sa gayon ay mawala ka ng talaga. Mawala nang pangmatagalan pero hindi iyon ganon.

Umiyak ako. Sumigaw.
Nagsulat. Nagpuyat.
Nalungkot. Halos mabangungot.

Ngayon, itanong mo sa akin kung nagmumura ako.

Pucha! Oo, nagmumura na ako.
Nagsawa na akong magmahal.
Napagod na akong magmahal.
Ayoko ng magmahal.
Suko na ko sa puchang pagmamahal na yan!

Kaya, magmumura na lang ako.

FUCHSIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon