Huli na ang Lahat (One-Shot Story)

520 24 21
                                    


"stephen sige na kasi tulungan mo na ko"


yan si caye ang bestriend ko. childhood friend ko siya at simula nung mga bata pa lang kami. hindi lang bestfriend ang tingin ko sa kanya. ako nga pala si Stephen Smith at mahal ko ang bestfriend ko pero may mahal siyang iba.

nakakatuwa nga ee mahal ko siya, may mahal siyang iba pero may mahal ding iba yung mahal niya, hindi ba pwedeng mahal ko siya mahal niya ko tapos happily ever after na? kung ganyan lang sana kadali no? tsk! pang bakla -_-



"caye *sigh* mahirap bang intindihing hindi ka niya mahal? kailan ka ba gigising sa katotohanan?"


kahit naman hindi niya ko mahal, tulad ng pag mamahal ko sa kanya ayoko pa rin siyang masakatan kasi parang doble yun sakin eh. hindi ko din naman kasi pwedeng sabihing ako nalang ang mahalin nya diba?



"hindi mo kasi ko naiintndihan eh. sobrang mahal ko kasi siya, hindi mo alam kasi hindi mo pa naman nararamdaman yung mahal mo siya, pero may mahal siyang iba"



gusto kong matawa sa sinabi niya. ako? hindi ko alam yung nararamdaman niya? kung alam mo lang caye. alam ko ang pakiramdam ng ganyan kasi nandun ako sa sitwasyon na yun na mahal kita pero

may mahal kang iba. masakit pero kailangang tanggapin, yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero parang may sariling utak yung bibig ko.


"oo na caye, tutulunga na kita"



****


Lumipas ang apat na buwan at nililigawan na siya ni paolo, ang lalaking mahal niya at sa tingin ko sa apat na buwan na yan mukhang nahuhulog na din sakanya si paolo. at ako? heto hindi manlang nabigyan ng chance na sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. wala na...wala na talaga kong pag-asa.


"stephen sasagutin ko na siya bukas" naka ngiting sambit sakin ni caye. halata sa mga mata niya na sobrang masaya siya.


"oh edi congrats" walang buhay kong sagot. kahit pilitin kong ngumiti sa harap niya hindi ko kaya. masakit



"teka bakit parang hindi ka yata masaya?" naka ngusong tanong ni caye sakin. kung alam mo lang caye.


"huh? a-ahh ehh masama lang yung pakiramdam ko" i lied sorry caye


"ganon ba? uminom ka na ng gamot ok? uwi na ko bye besfriend"



ano bang meron si Paolo? Gwapo siya? eh MAS gwapo kaya ko dun, Matalino siya? eh MASmatalino pa ko dun ee baka MATAlinaw. pero malihim na tao si paolo at hindi ako ganon. halos lahat ng bagay MAS naman ako sa kanya pero bakit hindi ako? bakit siya parin? bakit siya pa rin ang gusto ni caye?



mabilis lumipas ang mga araw at sinagot na ni caye si paolo at sa pag tatapos ng araw na ito kailangan ko ng itigil ang nararamdaman ko kay caye. nandito ko sa hospital ngayon dadalawin ko yung pinsan ko.

Huli na ang Lahat (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon