I'm late

6.1K 410 202
                                    

"You never know what you have until you lose it, and once you lost it, you can never get it back." - Anonymous 

____________________________

"Goodmorning pres." agad akong napaanggat ng ulo sa narinig ko pero katulad ng nagdaang araw bigo ako, kasi hindi na pala siya ang president namin.

"Looking for someone, Charles?" malanding tanong ni Yuna kaya yumuko na lang ulit ako, naalibadbaran ako sa mukha at boses niya!! Sarap manuntok!!

Pinasak ko ang earphone ko para hindi ko marinig ang boses niya!! Anong akala niya? Limot ko na ang nangyari?? Nakaupo ako at nakaubob sa mesa ko habang nakikinig sa kanta.

Kung akala mo hindi kita minahal, yun ang akala mo at akala ko rin nung una. Napangiti tuloy ako mag-isa, naalala ko kasi yung mga panahon na nandito ka pa sa tabi ko yung panahong nahahawakan, naririnig at nakikita pa kita pero ngayon wala ka na saka ko nalaman na mahal pala talaga kita.

*Flashback*

"Goodmorning pres." rinig kong bati sayo ng mga nakakasalubong mo, ikaw naman tumatango lang. Tsk. Parang aso!!

Naglakad ka papunta ng classroom at pumasok, hindi ako sumunod sayo bagkos pumunta ako sa garden kung saan tanaw kita. Tsk! Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Hindi naman ako maaga pumasok, sa totoo nga niyan lagi akong late dahil ayaw kong maghintay!! Yun siguro ang pinaka ayokong gawain ang maghintay pero ano? Eto ang ginagawa ko ngayon ang maghintay at tumingin sayo, Blessed Hillario! Ako! Ako na si Charles Ventura ang crush ng buong campus, top.... alitoptap! Hindi naman kasi ako matalino tulad mo pero ayain mo ako sa suntukan. Naku! Gangster kaya toh baka isang upper cut ko lang sayo bagsak ka!! Pero kahit ganito ako tao parin ako, sinisipag, nangangarap, gising sa ibang subject, nasasaktan at nagmamahal, anong akala niyo sakin tuod? Porket ganito ang itsura at gangster, tuod na agad? Tulad niyo marunong din ako magmahal pero tulad din ang ibang lalake madalas masaktan.

Nakatingin lang ako sakanya habang nakaupo siya at nagbabasa. Haist! Kakaantok ang ginagawa niya pero kahit ganon hindi ako natulog, pinagmasdan ko lang siya magbasa. Sa iba siguro boring pero sakin, eto na ata ang pinakamagandang view na nakita ko. Sinuot ko na ang earphones ko at sinimulang makinig sa mga tugtog na nababagay sakin . Pangarap lang kita by Parokya ni edgar.

Nagsimula ng magdatingan yung mga kaklase namin pero ako nandito parin masyado akong nawili sa nakikita ko. Ayoko ng umalis pero kailangan kaya tumayo na ako at naginat saka naglakad papuntang room pero nakasalubong ko si Yuna, ang babaeng minahal ko.

"Hi charles!" malandi niyang bati, parang hindi niya ako sinaktan kung makaasta siya!! Tsk. Lalagpasan ko na sana siya ng

"You love her, right? Then do it!" sabi niya na seryoso atsaka naglakad muli. Kailangan ko ba talaga gawin yun? Oo, alam kong gusto kita pero ang salitang mahal? Malabo! Siguro? Naglakad na lang ako papuntang clasroom.

*boog*

LAHAT nagulat exclude HER!! Patingin na siya sakin kaya umiwas ako ng tingin at tumingin sa teacher namin. Tsk! Kita ko naman sa itsura niyang ayaw niya ko makita!! Nahiya pa siyang sabihin!! (=_=)

Ramdam kong nakatingin siya sakin. Tsk! Medyo napangisi ako ng konti. Checking me out Ms perfectionist? Nung nakita ko sa peripheral vision ko na umiwas na siya ng tingin ako naman ang tumingin sakanya at nakita ko ang isang simpleng babae na nakaupo na para bang hindi ko na naistorbo ang klase. Ayos na ayos ang uniporme niya, nahiya naman ako sa suot ko! Yung buhok niya nakatali, kailan ko kaya yan makikitang nakalugay? Nakita kong bago ang salamin niya. Haist! Hindi ko alam kung bakit may kaibigan ako na tulad niya. Tumingin na lamang ako muli sa teacher namin.

I'm lateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon