Chapter 2

84 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na galing sa veranda.

Pag gising ko ay napatingin ako sa tabi ko.

Nasaan si Clemence ?

Wala na siya sa tabi ko. Hinawakan ko yung part ng pwesto niya at nakapa ko na malamig.
Maaga siyang umalis ? Nasaan siya ?

"Gising ka na pala."

Nagulat na lang ako bigla ng makitang nasa veranda siya.

Ang pogi niya talaga... Dagdag mo pa yung silay ng araw sa kapogian niya talaga namang mabubusog mata mo.

Medyo mag pagka brown pala yung buhok niya ngayon ko lang napansin.

Nagulat na lang ako ng bigla niyang hinila yung blanket na nakatakip sakin.

Hindi ako gumalaw , nagulat o ano kung hindi tinignan ko lang kung anong gagawin niya.

Kumuha siya ng kutsilyo at hiniwa yung braso niya sabay pinahid niya yung dugo sa may bedsheet ng kama sa may bandang paahan ko.

"Sorry. I dont want to do those kind of things with you." he said coldly "we dont have to make our marriage official"

"Me too" ayoko naman kase talaga.

At alam ko wala kaming connection na dalawa or what. Pero okay na din to.

Ako , na isang anak ng Monarch ay kinasal sa nobel , mayaman , bata at poging katulad niya. Sapat na siguro yun.

Inangat ko yung kamay ko na tipong makikipag hand shake sakanya.

"Maria Justine Castle Leighton - Blanch" sabi ko sakanya. "You can call me Tin"

This is our first formal introduction. Bago kase ikasal ay di pa naman nakikita ang isat isa ni mag usap hindi.

"Clemence Blanch III, you can call me Clem."
Sabay abot niya sa kamay ko.

*********

"What are you doing here?" Tanong ni Lei.

Nag tatago kase ako sa malaking kurtina sa may bintana.

May celebration nanaman kase. Kaya may mga bisita nanaman kami dito sa mansion ng Blanch. At ayoko na sanang sumayaw pa , kaya nag tago muna ako dito sa likod habang nag tatago ay nag papahinga at nakikinig ako sa mga bisita.
Iniwan ko muna si Clem na makipag entertain sa mga guest namin since siya naman ang magaling sa mga ganung bagay eh.

Buong buhay ko pag may ceremony o celebration ay naging ugali kong makinig sa mga sinasabi ng tao about sa monarch at sa lahat ng bagay.

Di na ko nag taka na nakita ako ni Lei. Lagi naman niya kase akong nahuhuli mag tago.

"Shhh. Pwede ba wag kang maingay ?" sita ko sakanya pag nakita nanaman kase ako ng mga panauhin ay yayayain nanaman nila ko sumayaw.

"Nakikinig ka nanaman ba sa mga chismis ?" natatawang tanong niya.

"Gusto ko malaman kung ano masasabi nila sa naganap na kasal..."

Gusto ko malaman kung may mga against ba o mga pabor ? At bukod sa lahat gusto ko malaman lahat ng chismis tungkol kay Clem.

"You wanna know who is Clem's lover ?"

Naptingin ako bigla sakanya. Kilalang kilala na talaga ako ng lalaking to.

Mariage Blanc (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon