That was the day na nakita kong nag selos ka.
Nakita kong nag iba ang mood mo. Nung magkasama kami ni Sammy, at ang sweet niya sakin. Kita ko sa mga mata mo na deep inside na sasaktan ka sa nakikita mo. Gusto kong sumaya non, dahil kahit papano nakikita kong may halaga ako sayo. Na importante ako sayo.
Kaya ipinagpatuloy ko lang kung ano ang ginagawa ko, ang pagiging clingy kay Sammy. Kung ganoon siya sakin, ganoon rin ako sakanya. Asaran kami ng asaran. Akbayan ng akbayan. At kiss sa cheeks. I'm a liberated person. Wala akong pakielam kung sabihan man akong malandi. Then be with it.
Napatingin ako sakanya, yung mga mata niyang nagsasabing "Ayoko ng makita kayong dalawa na ganyan." At naiisip ko, sinasabi niya sa sarili niya na "Bat tayo hindi ganyan ka-sweet?" Nakatitig lang siya saamin nung naghaharutan kami. Yung mga mata niya talaga ang hindi mawala sa isipan ko.
Kinukulit at hinahawi ni Sammy ang mga buhok ko. Nagpapakita ng motibo na gusto niya akong kasama sa araw na iyon. Ako rin naman, gusto ko siyang makasama at makausap noong araw. Wari ko'y naririnig nila ang usapan namin ni Sammy. Pagkaalis niya ay agad akong pumunta ng unahan ng classroom at para mag stay sa mga gamit ko. Ramdam kong nakatingin siya sakin. Na gusto niya akong lapitan, na hindi naman niya magawa dahil hindi ko naman siya pinapansin. Ramdam ko sa sarili ko na, gusto niya akong iapproach. Pero ramdam niya sa sarili niya na hindi siya maka-tyempo.
Pinuntahan ko ang aking isang kaibigan. Tinabihan ko siya sa upuan niya at kinausap. Na-aninag ko na sinundan ako niya ako ng tingin. Sabi ko sa kaibigan ko, may kukuhanin lang ako kaya bumalik ako ng unahan. Napansin ko na pumwesto siya sa katabi ng kaibigan ko. Alam kong alam niya na babalik ako roon. Dumaan ako sa harapan nila at hindi na ako nag stay doon.
Tinawag niya ko, pero nag bingi-bingihan lang ako. Dahil ayoko mag pa easy to get sa mga tingin tingin niya. Narinig kong pinagmalaki niya ako sa isa kong kaibigan. Nakakaproud naman nung time na iyon. Di nagtagak bumalik ng room si Sammy. At agad na umakbay saakin. Nagiging clingy na naman siya saakin. Ramdam ko na naman na nakatingin siy sa sweetness namin. Nag seselos siya. Ramdam ko😉