Chapter 1

1.3K 9 1
                                    

Minsan sa ating buhay, naranasan na natin ang magmahal. Napakasaya kung ito’y ating muling aalalahanin. Ang tawanan, harutan, at ang paglalambingan sa isa’t-isa. Tila walang ng problemang kakaharapin pa kung ikaw ay makaranas ng pagmamahal. Subalit, nagkukubli rin sa pagmamahal ang pinaka masakit na madarama mo sa buhay mo, lalo na kung ibinuhos mo ang iyong pagmamahal sa maling tao. Madarama mo ang labis na lungkot at halos gabi-gabi ay napapaiyak ka sa iyong kuwarto sa tuwing naaalala mo ang mga masasayang sandal ng inyong pagsasama.

Ako si Joshua Ramirez, third year high school student sa isang pampublikong paaralan. Naranasang magmahal ng sobra-sobra. At nakaranas din ng sakit. Subalit, ang sakit na iyon ay ginawa kong isang pagsubok na dapat kong malagpasan. Ginawa ko ito upang hindi makulong ang aking puso sa napakadilim na nakaraan ng aking buhay pag-ibig.

Bakasyon pa lamang ay pinag iisipan ko ng kung ipagpapatuloy ko ang aking pag-aaral sa dati kong pinapasukan. Pero sa tuwing dumadapo ito sa aking isipan, tila bumabalik ang sakit na aking nadama noong mag hiwalay kami ni Nicole. Si Nicole ang unang nagpadama sa akin ng isang tunay na pagmamahal, subalit dumating din ang araw na ang pag-ibig na kanyang nadarama para sa akin ay naglaho na lamang.

Dahil sa sobrang sakit na aking nadarama ng mga panahong iyon, napagpasyahan kong isara ang aking puso na muling mag mahal upang hindi ko na muling maranasan ang sakit na aking naranasan noon. Ilang lingo rin ang lumipas bago ko mapagdesisyunang lumipat na lamang ng paaralan upang muli akong makapag simula.

Agad ko itong ipinaalam sa aking mga magulang upang makapaghanda rin sila sa aking gagawing pag lipat ng paaralan. Hindi naman nag tanong ang aking mga magulang kaya hindi ko na rin sa kanila ipinaalam ang dahilan kung bakit kinailangan kong lumipat ng pinapasukan.

Napabilang ako sa pangkat ng mga pinakamahuhusay sa third year dahil na rin sa average kong 89. Natuwa naman ako dahil kahit na noong panahon na iyon ako lubhang nasaktan, nagawa ko pa ring pagtuunan ng pansin ang aking pag-aaral kaysa sa sakit na aking nadarama.

Ngayong magsisimula na ang bagong kabanata ng aking buhay, panibagong pakikipagkaibigan, at panibagong pakikisama nanaman sa ibang tao ang aking mararanasan. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa lugar na iyon, pero dapat ko itong gawin para na rin sa ikabubuti ng aking sarili. Ito na nga ba ang panahon na makikita ko na ang tunag na pagmamahal o mararanasan ko nanamang muli ang masaktan?

My Bestfriend, My Girlfriend { ON-HOLD }Where stories live. Discover now