Chapter 3- Si Kyla

442 8 2
                                    

Naging maayos naman ang pakikitungo sa akin ng aking mga kaklase, at habang tumatagal an gaming pagsasama, mas lalo pa nila ako nakikilala at nakikilala ko rin naman sila ng husto.

Ilang lingo rin muna ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na makipag kaibigan kay Kyla. Martes noon at wala kaming klase sa oras na 1:00 hanggang 2:00 ng hapon kaya lumapit ako kay Kyla paramagtanong.

“Hi, pwede bang makipagkaibigan?” direktang tanong ko sa kanya. “Oo naman, siyempre magkaklase tayo akay dapat maging magkaibigan tayo”, sabay ngiti sa akin.

“Totoo pala yung mga sinasabi ni Jericha tungkol sayo, na mabait ka pala talaga pag nakausap kana, pero mukha ka lang talagang mataray kaya hindi kita agad nilapitan nung bagong transfer palang ako ditto eh”, sabay ngiti sa kanya. “Ano ka ba? Ganun lang talaga ako, mukhang seryoso pero pag nakilala mo na, malalaman mong masayahin akong tao”

Matapos ang isang oras naming pag-uusap, agad kaming nagkapalagayan ng loob at nagging magkaibigan na kami. Nalaman ko rin na si Jericha lang pala ang kanyang kaibigan sa aming pangkat, dahil kakalipat niya lang din pala galing sa ibang school. Nagtulu-tuloy an gaming magandang pag-sasamahan. Naging mag Best Friend kami at halos alam na naming ang nakaraan ng bawat isa. Naikwento ko na rin sa kanya ang mga magaganda at di-magagandang pangyayari na nangyari sa amin ni Nicole noong kami ay nagmamahalan pa. Nalaman ko rin na wala pa palang nagiging Boy Friend si Kyla dahil muntikan na rin appal siyang lokohin ng dati niyang manliligaw na si Jason Rivera. Isinalaysay niya sa akin ang lahat ng nangyari noon, halos isang buwan na raw na nanliligaw sa kanya si Jason at tila hindi ito sumusuko sa panliligaw nit okay Kyla, kaya nag desisyon na si Kyla na sagutin na si Jason dahil mahal din naman niya ito. Pero noong araw na sasagutin n asana ni Kyla si Jason, sankita niyang may ibang kasamang babae si Jason sa isang mall, kaya nag pasya na lamang ito na umuwi na lamang at sa kanyang silid na lamang siya iiyak.

Kinaumagahan, tumawag sa kanya si Jason at tinatanong niya si Kyla kung hanggang kalian pa raw siya maghihintay, pero dahil sa nakita niya kahapon, sinabi niya kay Jason hindi niya sineseryoso ang panliligaw ni Jason sa kanya at agad niyang ibinaba ang cellphone niya. Kalaunan, naalaman din ni Jason ang dahilan kung bakit hindi na sinasagot ni Kyla ang mga tawag nito sa kanya.

Matapos ang kanyang kwento sa akin, napaiyak ito at ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Buti nalamang at wala an gaming ibang kaklase dun sa lugar na iyon, dahil kung nandun ang mga iyon, tiyak na pang-aasar nanaman ang gagawin ng mga iyon sa amin.

Natapos an gaming kwentuhan noong araw na iyon, at napagpasyahan naming sa Internet nalang kami mag-usap dahil pauwi na kami.

Naging stable na ang aming pagkakaibigan ni Kyla at halos walang patid kami kung mag usap kung wala kaming ginagawa sa school. Minsan naman, nagsisimba kaming magkasama tuwing lingo. Minsan pa nga ay napagkakamalan na kaming mag Girl Friend, dahil kaming dalawa lang ang pinaka sweet sa aming pangkat. Kahit may tatlong mag sosyota sa amin, hindi mo ito mahahalata dahil hindi ito nag-uusap ng personal, subalit kami naman ni Kyla ay puro tawanan, kilitian, at lambingan ang ginagawa, kaya mismo ang lima kong mga kaibigan, napapatanong na sa akin kung ano ang namamagitan sa amin ni Kyla.

Gayundin ang mga tinatanong kay Kyla na mga tanong. Kung kalian daw kami nagging mag on, at kung paano raw ako nanligaw sa kanya.

Pero, pareho lamang ang aming sinasagot, wala kaming romantic relation sa isa’t-isa, pero hindi pa rin satisfied an gaming mga kaklase dahil daw sa closeness naming, sigurado raw sila na may ibang pang namamagitan sa amin, bukod sa pagiging Best Friend.

My Bestfriend, My Girlfriend { ON-HOLD }Where stories live. Discover now