Simula noong araw na iyon, hindi na kami ulit nagkita ni Liam. Ilang linggo na ang lumipas pero hindi talaga siya nagpaparamdam. Kahit sa text, wala rin. Sa totoo lang, miss na miss ko na siya. Lagi kong pinipigilan ang sarili ko na i-contact siya. Kasi alam kong bawal.
Nasasayangan ako sa amin. Andun na kasi eh. Gusto na namin ang isa't-isa pero hindi pwedeng ituloy. Habang lumilipas ang mga araw, maraming mga konklusyon ang nabubuo sa isipan ko.
Makasarili ba ako? Sa tingin ko ay hindi. Kasi kung naging selfish lang ako, hindi ko na sana hinayaang mawala sa akin si Liam. Sana hindi ko na lang siya pinagtulakan na kalimutan ako at unahin ang pamilya niya.
Duwag ba ako? No. Hindi kailan man naging tanda ng pagiging duwag ang magparaya. Letting go doesn't mean you're coward to face the situation. Letting go is a sign of courage that you understand and accept what it is without struggle and fear.
Mahal ko ba siya? Almost. Muntik ko na siyang minahal. Hindi rin naman kasi mahirap magustuhan at mahalin si Liam. Kung tutuusin, nasa kanya na ang lahat ng katangian na gusto ko sa isang lalake. We were almost perfect indeed. We were almost lovers. It was SO CLOSE.
But in the end, we have to make decisions in order for us to move forward. At sa kaso ko, iyon ang desisyon ko. Ang pakawalan si Liam habang hindi pa lumalalim ang nararamdan ko para sa kanya. Masakit para sa akin ang desisyon ko pero alam kong mas masasaktan ako pag hinayaan ko na mas tumindi ang nararamdaman ko para sa kanya.
Pero hindi naman natin hawak ang tadhana diba? Siguro kung tama na ang panahon at ang sitwasyon, pwede na maging kami. Pero hanggang hindi pa pwede, huwag na lang pilitin. Sayang naman din ang buhay kung mananatili ka isang sitwasyon na walang kasiguraduhan.
Go out and explore the world ika nga. At yun ang gagawin ko. Habang wala pa ang lalaking itinakda sa akin, magsusumikap ako na maging karapatdapat para sa kanya. Mag-aaral ako ng mabuti nang saganon ay magkaroon ako ng magandang trabaho at aayusin ko ang sarili ko.
Sa ngayon, may isang bagay pa akong kailangan ayusin sa buhay ko. Dali dali kong inubos ang pagkain ko para makapunta na sa school. Nagising talaga ako ng maaga para abangan siya sa room. Early riser kasi siya eh. Best in attendance talaga ang kumag.
Hindi nga ako nagkamali at nakita ko siya na naka upo sa armchair niya na malapit sa bintana ng classroom. Naka earphones siya at nakapikit ang kanyang mga mata habang nakasandal ang kanyang ulo sa may bintana.
Tinanggal ko ang earphone niya kaya napabukas ang kanyang mga mata. Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako.
Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. I miss my best friend.
"I'm sorry Seth. Sorry kung matigas ang ulo ko."
Hindi siya gumalaw nung una pero di nagtagal ay niyakap niya na rin ako.
"I miss you, Katy." Aniya sa malambing na boses.
"Na miss din kita Seth."
BINABASA MO ANG
So Close
Short StoryOne Shot Story Katy Sheen Lopez is still 16 years old when she met her puppy love or what most people say, "first love". Lahat ng ginagawa ng mag boyfriend/girlfriend ay naranasan na niya kay William Sy kahit na wala pa namang pangalan ang status ni...