Paano ako? (One Shot Story)

390 14 7
                                    

COPYRIGHT © 2013 by mylonelyLIFE

ALL RIGHT's RESERVED

THIS IS A STORY MADE BY mylonelyLIFE... NO PARTS OF THIS STORY MAY BE REPRODUCED IN ANY FORM BY ANY MEANS...

ALL THE PICTURES, VIDEOS AND MUSIC USED IN THIS STORY ARE NOT MINE. THEY ARE JUST USED FOR THE BETTER VISUALIZATION OF THE STORY

-----------------------------------------------------------------------------------------

A/N: madami na akong naumpisahan na ONE SHOT pero eto lang ang natapos ko ng isang upuan lang,,,

I hope you will like it gaya ng pagmamahal niyo sa WE don’t want to be BROKEN again.  Kung first time reader kita click the external link para sa mabasa mo ito,,,

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang ita-title ko dito…

“Love is the most complicated thing in the World”

PAANO AKO? (ONE SHOT STORY)

(Please play the video at the side hanggang matapos ang story----- “what about Love by Lamar”)

Hindi ko alam kung bakit nagkaganito ang lahat

Sinubukan ko naman lahat para wag siyang mawala sa akin. Pero sabi nga nila kahit anong pigil mo sa lahat wala pa din mangyayari lalo na kung ikaw na lang ang pilit kumakapit sa taong yun.

“So ganito na lang ba?”

“Oo” walang emosyon na sabi niya sa akin

“Akala ko ba mahal mo ako”

“Hindi sapat e”

“Hindi sapat? Puchang hindi sapat yan! Alin ba ang hindi sapat? Gagawa ako ng paraan!  magbabago ako! sabihin mo lang kung alin ang di sapat dadagdagan ko wag mo lang ako iwan ng ganito”

“Hindi ko din alam kung ano ang di sapat . Please bigay mo na sa akin ito. Let me go please. Para sa akin please”sinasabi niya yan na parang dun nakasalalay ang lahat “Please let’s break up. I need  this to be alive. I need this for us to survive”

She’s all pleading there…. Pleading for her life.

“But what about me? I need you to live too. Please kahit ano wag lang ito” lumuhod na ako sa harap niya

“Wag mo naman gawin sa akin ito Nathan, please pakawalan mo na ako”sinasabi niya yan habang pinipilit akong tumayo mula sa pagkakaluhod ko

“Please Janine wag ganito”

Niyakap ko siya sa bewang niya wala na akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa amin na nakikiusyoso. Wala na akong pakialam kung mapahiya ako. Huwag lang niya ako iwan.

Para kaming tanga na nag-iiyakan dun habang nakayakap pa din ako sa bewang niya. Tumingin ako sa langit

Lord, kahit ano gagawin ko wag mo lang hayaan iwan niya ako.

Pero hindi pala ako ganon kalakas sa kanya dahil naramdaman ko ang kamay ni Janine na pilit inaalis ang kamay ko na nakayakap sa kanya.

Pero hindi ako bumitaw pilit akong kumakapit pakiramdam ko pag bumitaw ako sa kanya katapusan ko na.

Pero kung gaano ako kapursigido na hawakan siya. Ganon din pala siya kapursigido na iwan ako. Kaya nabitawan ko siya

Sinamantala niya ito at lumakad ng palayo sa akin

“Ganito lang ba ako kadaling itapon Janine!? Paano ako mabubuhay kung wala ka!?”sigaw ko sa kanya habang lumakad siya palayo sa akin

Pero hindi siya huminto at nagpatuloy sa paglakad

Paano ako? (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon