Hindi ako mabait
Hindi ako huwarang estudyante tulad ng iba,
Pumapasok ako oo, hindi ako pala absent
Pero hindi ako nakikinig sa Prof. Ko
Pumapasok ako para pumasa, hindi ako nagrereview hindi ko din ginagalingan pag may exam.
Bahala na, basta maka graduate ako ayos na,
Hindi ako sumasali sa kahit anong competition as school, bahala kayo diyan
Ganyan ako
NOON
Nang mamatay ang Daddy ko nagsimula akong magpabaya sa pag-aaral ko,
Siya lang kasi nagtuturo sa saken sa mga lessons sa school, nagpupush saken para magaral
Nang mawala siya, parang nawalan na din ako ng gana,
Naging malungkutin ako,
Parang may galit sa mundo
Dahil laging nakasimangot,Hindi ko pa naranasan ang magkaboyfriend
may nanliligaw pero di ko sinasagot
Hindi sa nagmamaganda ko, nag-aaral pa kasi ako.
Kahit wala na ang Daddy ko. Alam ko nandyan pa din siya,
Nakatingin, nagbabantay,
Alam ko Di sya matutuwa,
Nung nabubuhay pa siya, pinagbabawalan niyang mag boyfriend ng nag-aaral pa ang mga ate ko.
Ayokong isipin niya na porke ba wala na siya mag tetake advantage ako?
Hindi... Hindi maganda yon.
May mga nagiging crush ako o nagugustuhan,
Pero di ko naman yun sineseryoso
Di din naman nagtatagal yung mga tinatawag kong CRUSH ko,
Madamihan pa nga ko magkacrush noon
5 sa ganitong course,May ilan sa ganyang course.
Marunong din naman akong kiligin,
Di naman ako parang patay na buhay
Pero saglit lang yun, di din naman nagtatagal.
Sabi nang isa kong kaibigan,
Ang boring naman ng buhay mo,
Oo, totoo wala kase akong social life maliban sa FB or social media,
Tahimik lang din kase ako sa klase
May mga 5 akong pamangkin si Gino anak ng pangalawa kong ate (bale yung middle child namin)
Si Francis at si Francine Kambal,(anak ng panganay kong ate)
Si Ronnie, yung pinaka bunso at si MICO anak ng Pangalawa ko ding ate.
BINABASA MO ANG
Cause You're Special To Me
RandomYou're not my Boyfriend, lover or crush but you inspires me a lot You are not my son but you mean a lot to me. I love you so much <3