Mico

13 0 0
                                    

Nang ipinanganak si Mico,

Sinabi sakin ng ate ko na gagawin daw niya akong Ninang ni Mico

Bale, si Mico yung kauna unahan kong inaanak,

Masaya kaming lahat ng inilabas na si Mico

Matagal kasi din naming hinintay na masundan si Gino,

Habang lumalaki si Mico napapansin kong medyo kakaiba siya,

Sa itsura, 

Naalala ko yung sa Mc Do commercial yung

Kumusta crush mo?

medyo kahawig niya,

Iniisip ko baka kasi dahil baby pa siya baka wala naman yun

Nadagdagan pa yung pagtataka ko habang pinagmamasdan ko yung mga kilos niya,

Palagi siyang nakadila, na noka nguso o kaya naman bila bigla na lang pumapalakpak.

isang araw dinala namin sa ospital si Mico 

Mataas yung lagnat niya, at nahihirapan din siyang huminga

Habang tinitingnan siya ng Doctor, napansin ko na sinisipat  niya  yung mga palad ni Mico

hindi ko nalang pinansin yun, lumabas muna ako kasi naaawa akong tingnan ang pamangkin ko, 

Maya maya naisipan ko ng mauna nang umuwi. 

Pagdating ng mga ate ko sa bahay, umiiyak siya habang karga karga si Mico

Sinabi niya sa amin kung ano ang napansin sa kanya ng Doctor

Sinabi ni ate na ayon daw sa doctor may Down syndrome daw si Mico.

Halos manlumo ako sa narinig ko, 

ganoon na ganoon ang reaksyon ko nang malaman naming may diabetes ang Daddy ko

Napaluha ako ng husto

Lahat sa amin umiiyak na. Si Mommy, si kuya , at yung isa ko pang ate

unang beses naming magkaroon ng ganoong klase ng sakit sa pamilya.

Lahat ng pagdududa ko ay tama,

kaya pala sinisipat ng doctor ang palad ni mico dahil, napansin niyang tuwid ang guhit nito sa palad sa may bandang taas, 

parehas,

isa sa cause ng pagkakaroon niya ng Down syndrome ay ang asthma niya, pagtitibi at yung late progress niya

kaya pala pansin ko noon yung pagpantay ng mata niya sa may tenga, sobrang singkit 

Pero habang lumalaki siya, pansin kong matalino siyang bata

Alam niya kung paano gamitin ang suklay at tooth brush

napansin ko kasi na habang nagsusklay kami o kaya nagtotoothbrush eh nakatingin siya

Sa ngayon 2 years old na si mico pero hanggang nagyon di pa siya nakakapagsalita o nakakabanggit ng isang pangungusap.

Pero natuwa ako dahil ang una niyang binanggit ay

I--iinang -iiinang

 tingin ko ninang ang ibig niyang sabihin, kase nakatingin siya saken.

Hindi mommy ako kaya Mama

siguro kasi ako ang lagi niyang nakakasama kase parehong may trabaho ang parents niya.

ungol pa lang yung nagagawa niya kase di pa niya kayang magsalita

Pansin ko na din sa kanya yung mga sinabi ng doktor na mga unnecessary habits

gaya ng pambabato,  o kaya naman palakpak ng palakpak pagiging iyakin

ayaw niya ng hindi nasusunod ang gusto niya.

Naiisip ko na lang, paano pa kaya paglaki niya, 

sinabi din ng doctor na karamihan sa may mga ganoong case 

hindi nagtatagal ang buhay

Pero kahit na ganoon di ko siya ikinahihiya

siya yung nakakapagpasaya saken ng sobra

habang tinitingnan ko siya

nakakadala yung ngiti niya, kase nawawala yung mata niya

Favorite kong kantahin sa kanya yung Chinito ni Yeng

Tapos sasayaw siya sabay papalakpak

Bago ko umalis nag babye siya, tapos ngingiti kaya mahahawa nadin ako

isang beses tinatamad akong magreview may exam pa naman kame,

nagulat ako binuksan niya yung bag ko tapos inabot sakin yung Binder ko.

Hmm.. hmmm... hmmm..hmmmmp.. habang pilit niyang inaabot saken.

Baka sinasabi niya saking magreview ako.

Ewan ko ba bigla na lang akong nagreview nagbasa basa







































Cause You're Special To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon