Meet My Wife part 1

108 6 1
                                    

Bigla kaming pumasok sa napakalaking bahay na may napakalaking fountain pagkapasok mo palang.

May sumalubong na apat na maid na nakangiti.
Napakalinis nila.
Nahiya naman ako..

Bumaba kami at hinagis nya ang susi sa isang lalaki sa gilid.

" Sir, siya po ba ang bisita natin? "

" Yes. "

" sabi po pala ni maam malapit na sya.. "

Bigla nya akong hinila papasok

" sht "

Teka ano nanaman ba to?!
Anong ako ang bisita?

Sumunod nalang ako sa kanya sa taas. No choice. Hinihila ako. Pumasok kami sa ikatlong kwarto. At ang ganda ng kwarto pramis.Agad nyang sinara ang pinto at itinulak ako sa isa pang pinto.

" Fix yourself. I'll wait outside. "

Tapos lumabas sya. Napatingin ako sa paligid.

-_-

Nasa CR ako.

Tsk. Pero ang laki na nito para sa cr ah!

Pagtingin ko sa malaking salamin, nandun ako.
Parang nanggaling sa gyera ang hitsura ko.

-_-

Kakahiya pala. Ang dami kong nakasalamuhang tao sa baba.

May nakita akong suklay kaya nagsuklay ako at naghilamos. Saka ako lumabas , kinuha ko rin ang ID at apron ko.

Kaya naka puting longsleeved polo at slacks lang ako. Oh diba? Parang Business woman lang.

Nakapoker face na tumingin sya sakin.

" Wala ka bang ibang damit? "

Napairap nalang ako sa tanong nya.

" Obviously, wala kasi kung hindi ka bigla biglang nanghihila nadala ko ang damit ko na nasa bag ko kasama ang phone ko at ang pera ko."

May binuksan syang cabinet at nakita ko ang mga damit na panlalaki.

" Seriously? Pagsusuotin mo ko nyan? "

Ano ako tomboy? Ang laki ng damit nya!

" I have no choice. "

o_O

Seryoso ba to?

Kinuha nya ang mga nakahanger na damit at inilagay sa kama nya.

" susuotin ko to?! "

" I didnt say anything like that. You're gonna wear her clothes, we have no choice "

May binuksan nanaman sya sa cabinet. Isang box na pink ang nandun, kinuha nya yun at binuksan.

May nakita akong picture at mga accessories, damit at may mga papel na may sulat.

" Wear that. Just.... just dont mess with that dress okay? . Wag mo yang mantsahan "

Binigay nya ang isang puting cocktail dress na may laces.

Sa tingin ko sa girlfriend nya to or sa ex nya na importante sa kanya kasi hanggang ngayon nasa cabinet pa nya eh.

Hindi na ako nag tanong pa at pumasok na sa CR.

Medyo mataas sakin ying dress. Matangkad siguro ang may ari nito.

Sinuot ko lang ang sandals na suot ko kanina. Bagay naman.

Saka ako lumabas.

*Toktoktok*

" Gino? Anak? "

Nagkatinginan naman kaming dalawa.

" Nanay mo?"

Pabulong kong tanong.

Hindi nya ako sinagot at lumapit agad sakin. Hinila nya ako palapit sa pinto.

" I'll open the door Gino. "

Nanlaki agad ang mata ko.

Nooo.

" W-wait ma! "

Hindi kasi ako nagpahila. Nakakakaba!

" Halika na ! "

Bulong nya.

omg

:-\

Shut Up.Its Just MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon