One Shot

219 18 9
                                    

Bigla kaming tumalikod at nakita namin si Maxine na nagpa-panic at sumisigaw.

"AHHHHHHHH!!!! Tulungan niyo ko! Y-yung m-mata ko!"

Nagkagulo ang lahat at nagpunta kami sa paligid niya.

"Maxine! Ano nangyayari sayo!?" Sabi ng isa naming kaklase na si Ara. Sumisigaw si Maxine habang tinatakpan ang mukha niya.

"Aray!" Bulong ni Janella. Tinignan namin si Janella at biglang nanlaki ang mata niya bigla niya nalang tinapon kung saan ang sapatos na medyo sunog. Napatingin kami sa baba.

"Y-yung eyeliner!" nagulat kami at nakita namin ang natapon na eyeliner at ang simentong natapunan nito na nasunog.

"Oh my gee! Yung eyeliner, acid yung fluid." Sigaw ni LJ. Natigilan kami at nakita namin nung tinanggal niya ang kamay niya ay nagdudugo ang kanyang talukap at puro dugo ang mukha niya. Nabalutan kami ng takot at nag-panic. Agad kaming nag-kandrapa ni Ara na humingi ng tulong sa mga teachers.

"For Pete's sake, anong nangyari kay Maxine." Sabi ni Ara, bakas parin ang takot sa mukha.

"H-hindi ko alam ... Pero grabe naman yung nangyari na yun." Sabi ko habang hindi mapakali mga kamay ko.

Dumating ang ambulansya sa tapat ng school namin at inalalayan siya ni LJ at Cassy. Nakahinga na rin ako ng maluwag. Ligtas na siya.

"Paano nangyari yun! Yung eyeliner ay hindi eyeliner kung hindi ang nasa loob nito ay asido." Sabi ni Janella. Nandito kami sa classroom at pinag-uusapan namin ang nangyari. Tumayo si Ms. President na si Georgia.

"May nagpalit nun, imposible na may mag-gagawa ng eyeliner na asido ang laman."

"May point ka, pero sino naman ang gagawa nun at paano niya nagawa yun?" Sabi ni Sophie, Vice President.

"Ewan, pero sa tingin ko nandito yung nagpalit ng eyeliner kasi look guys, Maxine is a very private person and "choosy" sa pagpili ng kasama." Ubo niya. "Eh diba, sina LJ, Janella at Sheena lang ang kasama niya. Isama na natin si transferee na naging "Top 1" na si Selena." Tumingin sila sakin at kina LJ, Janella at Sheena. Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo ni Georgia sakin at gusto niya talaga akong i-pull down.

"Anong pinagsasabi mo ha, hindi ko magagawa iyon!" Laban ni Janella.

"Tsaka, Friend ko siya. I will never do that to her." Mataray na sagot ni LJ.

"Tama, kahit ako rin at si Selena ... Wala rin kaming gagawin na ganyan." Sabi ni Sheena. Napabugtong-hininga si Georgia.

"Malamang, sino bang kriminal ang aamin sa kasalanan niya. Natural lang maging defensive, pero isa sa inyo ang gumawa nun." Sabay cold stare ni Georgia. "Anyways, we'll see about that."

A/N: Okayyyyy ... One shot lang po yan. I need a respond kung nagustuhan niyo po yan. Just comment lang po sa baba. Thanksssss~

COSMETOLOGY CLASS (One Shot)Where stories live. Discover now