Chapter 1

7 0 0
                                    

"Ally Anak, lumabas kana dyan sa kwarto mo, kakain na tayo!". Rinig kong sigaw ni mama mula sa kusina. Katamtaman lang ang laki ng bahay namin, hindi malaki, hindi maliit, kaya kapag sumigaw ka e talaga namang maririnig mo.

"Opo ma, nandyan na! Tapusin ko lang po itong episode na pinapanood ko patapos na din po!" Sigaw ko rin kay mama, nanonood kasi ako ng anime/cartoons na Cinderella sa youtube.

Ako nga pala si Alexa Aleily Abellano, 15, HS student sa COSAcademy. 5'2 ang height, may shoulder-lenght na buhok, medyo maputi ng "konti" at petite na maiituring ang katawan.

So balik tayo sa kwento, nasa kusina nako ngayon kaharap sila mama at ang lima na kapatid ko,
(si Alexis Aimie Abellano,23,
Alex Ashton,21,
Alecs Ashely,21 (kambal),
Alexei Auburn 18, at si
Alexandra Astrid, 17.)


Triple A ang mga pangalan namin, ewan ko ba kila mama at papa anong trip nila at talagang alex kami lahat. kaya minsan pag may naghahanap samin at sinabing "/aleks/", talagang tinatanong pa talaga ni mama kung sinong alexs ba ang hinahanap nila, kasi pito sa pamilya namin ang may ngalan ng alex kasama na si papa na Alexandre, na nasa ibang bansa bilang OFW.


"Ma, nag chat sakin si tita Olga, darating daw sila ngayong lunes at dito muna makikituloy kung okay lang daw." Ate Alexis


"Nakuuu, ang kumare ko! Sige anak sabihin mo welcome na welcome sila dito!" Sabi ni mama na tuwang tuwa


"kasama kaya mama sila Brent, Bien at Bella? Tanong ni kuya ashton


"Palibhasa, type mo si bella kaya mo tinatanong" sagot naman ni ate ashely sa kambal nito sabay irap

"Uy! Hindi ako ah, baka yang si bunso ang may type dun kay brent, diba bunsoo? Ayih dalaga na siyaaaa!" Kuya

"Tse! Kapal mo po kuya, di ko siya type no, at tska balita ko madami ng naging girlfriend yun, ayoko sa playboy!" Sabi ko


"ah? Ano kamo? Gusto mo maging girlfriend ni brent? Naku, patay tayo dyan bunso, e balita ko may girlfriend sya ngayon, pano ka?"Asar ni kuya, habang sila mama at ate tawa ng tawa

"hmp. Ewan ko sayo, kainis ka!" Sabi ko na pa sungit pero joke lang naman, di naman ako galit.


"Oh tama na yan, baka mamaya mag ka pikunan pa kayo dyan", ally anak pagtapos mo, tulungan si ate alexei mag ayos ng pinag kainan ha?Ako naman e, aakyat na, kanina pa ako medyo nahihilo"


"Ayos lang kayo ma? Sige po kami na bahala dito" alexei


"Oo, itutulog ko lang to, okay na, goodnight na anak" sabay beso samin ni mama


Nasa kwarto na ako ngayon, patulog na, naisip ko bigla si brent,
Ang bata pa nya para magka girlfriend, ako siguro pag college nako tska ako mag gganyan. Sabay buntong hininga, at natulog na.


Kinalunesan,


"Ally, gising na, may pasok ka pa anak, baka malate ka" mama.


"Mama, 5 minutes pa please" sabi ko na nakapikit padin. Sarap na sarap ako sa pagtulog ko, ang lamig kasi at ang lambot ng kama yih.

"Ano ba yan ally, kahit kailan, antukin ka pa din. Kaya di kita type e." Sabi pa


Huh? Ano pinagsasabi ni mama?


"Hoy ally payatot. Gising na huy!"



My Kind Of RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon