"May Babae lang talagang binebestfriend at may babae ring ginegirlfriend" yan ang pilit kong tinatatak sa isip ko. Dahil kahit Inlove ako sa bestfriend ko ee hangang bestfriend lang tlaga. Takbuhan pagnalulungkot sya, daan para maging sila ng crush nya, ginagawa ko yun kahit sa loob loob ko ay gusto ko nang sabunutan ng up and down at left to right yung Crush nya pero hindi ko kaya un sa isip lang pde pa.^-^
Hi. Ako si Jenzil Villanueva,16, 4th year student ,from an average family at SECRETLY, TOTALLY INLOVE sa bestfriend kong si Joseph Perez, isa sa athlete ng school at isa din sa pinakagwapo , dahil dun sikat sya. Ako din naman ee, pero mas sikat sya . LeL's.
"BEST..... Good News" so gaya ng sinabi ko takbuhan nya. kaya ,, eto na si JoPe (JOseph PErez) may pagsigaw effect pa habang natakbo . -_-
" Kelangan Sumigaw??... Anu yun??" tanong ko.
" diba yung babae dun sa arts club... kilala mo yun diba ?? " - JoPe
"oo.. Bakit?? "- Ako
Crush nya kasi un , di pa nga nya kilala e, Nalove at first sight daw. Tss lagi naman. kilala ko naman kaya kinuha ko yung number. Binigay naman kasi alam na pinapakuha ni JoPe ang LANDI din e.
" Sino nga yun..... Si.... Si ano basta ,, Girlfriend ko na sya :) " - JoPe
HUUWWWATTT?? e kahapon lang yun ah , di pa nga nya memorize ung name... sabagay ano pa nga bang bago?? Haist e ako antagal na sa tabi nya 4 years na men,, di pa nya ko napapansin. :(
"Ano Best Di ka ba masaya...." -JoPe
"ha ? e syempre masaya" - Ako
"Best medyo hindi ko gusto ugali nun e, medyo warfreak" -ako
di ko sya sinisiraan , ganun lang tlaga ung babaeng yun.. kaklase ko kaya un nung grade 6 kaya kilala ko. Sabagay baka nagbago na..
"gustuhin mo best..please"-JoPe
anu ba nga bang magagawa ko. tss. Bahala na.
umuwi akong magisa , di kami sabay ni JoPe e sabay daw sila nung GIRLFRIEND nya. kaypayn . Magsama sila.. >.<
After 3 months....
(A/N: Short story lang kasi kaya mabilis lang.)
3 months na ring di ko nakakasabay si JoPe a. anu kayang nangyari dun.. tss. di ko na rin sya nakikita.. di naman sya nagtransfer sabi nang mga classmates nya.. Naiwas kaya sya sakin??
" jenzil!!"
Napatingin ako sa tumawag sakin.. si Zhaira lang pala yung GiRlfriend na kinuwento sakin ni Jope.. mabuti nakita ko sya tatanung ko kung nasan si Jope.
" Zhaira Buti nakita kita, haist kamusta na si JoPe" - ako
" Nakipagbreak na sya sakin !! " - Zhaira
" Huh?? Kelan pa?? "- ako
" kanina lang !" sabi ni Zhaira with matching taas kilay.
" e asan sya?? "- ako
" Ewan ko ! " - Zhaira
" e bat ka galit?? Hehe" - nagjowk pa ko.. muka kasi syang galit e. Hindi naman ako palaban o basagulera baka kung ano pang gawin nito sakin.
" Girls ...." tawag ni Zhaira at may 6 na babae pa ang lumabas.. Shemay anung gagawin nila sakin??
" Ano to Zhaira??" tanong ko . shet . nakakatakot sila. baka may iba silang gawin sakin........ LORD.... Nanginginig na ko sa sobrang kaba.