"Independencio"

21 3 0
                                    

Bakit sa tuwing ikaw ay mawawalay
Sa pinakamamahal mong nanay
Ay parang ikaw ay mahihimatay
Sa kaiiyak mong walang humpay?

Bakit sa tuwing kayo ay aalis
Tatakbo ka ng napakabilis
Upang hindi ka lang malihis
Sa tabi ng iyong inang inis na inis

Kailan ka kaya matututo?
Sa bawat segundo't minuto
Sa araw-araw na pamumuhay mo
Kailangan mamuhay ka na sa sarili mo?

Disorder na Dependent Personality
Nakatanim sa iyong sarili
Oras-oras hindi ka mapakali
Kapag wala ang mahal mo sa iyong tabi

Ngayon matatapos na ang tulang ito
Laman ang mga tanong para sa iyo
Kailan mo kaya mapapagtanto?
Kailangan mo nang maging Independencio.

==================================================

TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon