Friendship Above Lovers

103 3 0
                                    

Friendship Above Lovers

By

Buboy_13

            Paunawa: Ito ang unang beses na gagawa ako ng storya para sa E-BOOK kaya hindi ko alam ang pamantayan, kung hindi man maganda ang takbo ng kwento ay ipagpaumanhin po ninyo. May mga tao lang po kasi na nag-aabang sa kwentong ito lalo na iyong mga sangkot sa kwentong ito.

TAUHAN:

Allen Montano

Joana Mia De Vera

Rhed Peralta

Chin Fernando

Chapter1

The Beginning

Hayskul daw ang pinakamasaya na stage na buhay ng isang estudyante dito raw kasi makikilala ang mga totoong kaibigan, minamahal, at mga kakaibang karanasan pero noong hayskul ako halos di ko naman yon ramdam hanggang sa isang araw..

Ikalawang araw na nang pasukan nang mag-enrol ako sa St.Lucio High School dito sa Pasig. Iyon daw kasi ang enrollment period para sa mga transferee kagaya ko. Hindi naman masyadong mahaba ang pila pero ang bagal ng pag-unlad ng pila pano naman kasi yong principal daw ung nagse-sectioning kaya ganon.  Hindi ko alam kong iniinterview niya pa ang bawat enrollee.

“Section B ka!”,hatol ng prinipal sakin sabay sulat sa card ko ng “SECTION B”.

Thank You po!”,banat ko. Sabay akyat sa taas ng building para hanapin ang section B. Habang paakyat ako ay sari-saring emosyon ang nararamdaman ko pero lamang ang kaba.  Kinakabahan ako kasi syempre wala akong kakilala tapos wala akong idea sa mga magiging kaklase ko pero bahala na.

 Sandali, section B ako ibig sabihin section 2. Okay na iyon sa akin, hindi sa pagyayabang pero mula elementary hanggang sa first year ay section 1 ako. Kaya kung section 2 ako ay okay na rin naman halos wala namang diperensiya yon eh.

“Miss,Section B?”,tanong ko sa isang babae na lumabas sa isang room at may hawak na walis.

“Ah Oo”,sabay bato ng walis sa kaharutang babae rin.  Tinamaan iyong babae sa ulo pero tumawa lang.

“Pasok ka kuya!”,sabi niya sabay takbo sa loob.

“Salamat!”

Umupo ako sa bandang dulo at pinagmasdan ko ang buong Section 2 syempre makiramdam muna para safe. Ang kukulit nila, may naghahampasan ng walis, may nagkukutuhan sa dulo habang nag-rerecharge ng cellphone, iyong iba naman kumakanta ng rap at  syempre mawawala ba naman iyong mga chismisan.  Naninibago ako kasi hindi kami ganito kaingay at kagulo pero sabagay section 2 ito eh.

Maya-maya pa may dumating na babaeng nasa 25’s na at sinabing siya raw ang magiging adviser namin para sa buong taon. As usual pakilala sa harap ang bawat isa, sobrang kaba ko nang ako na kasi lahat sila tahimik na at seryoso.

“My name is Allen Montano ,15 years old, ahm transferee from Malabon High School, my motto is Everything happens for a reason and my favorite subjet is Science and Filipino blah..blah..”,kinabisado ko talaga iyon kaya walang sabit hahha. Pagkatapos magtatanong kung kaanu-ano ko si Cesar Montano, malamang wala kasi kung kamag-anak kami nun e di sana wala ako dito sa Public.

“What is your section last year?”,tanong ng adviser namin.

“Section 1 po maam”,sagot ko na ikinagulat niya at nang buong section 2. Bakit raw ako nandoon e section one naman pala ako ? Bakit, bawal ba ako roon? Parang gusto kong sagutin si maam ng pabalang, gusto kong sabihin na kung may problema kayo sakin doon kayo sa magaling niyong principal magtanong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friendship Above LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon